Advertisers

Advertisers

Mayora Honey, nagpahayag ng utang na loob sa residente ng Maynila

0 205

Advertisers

NAGPAHAYAG ng kanyang utang na loob si Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente ng lungsod na nagbigay daan para sa simula ng kanyang matagumpay na karera sa pulitika at bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng kabisera ng bansa sa kasaysayan ng Maynila.

Bilang bahagi ng kanyang birthday celebration, si Lacuna ay namahagi ng rice at roast chicken sa residente ng Barangays 525 at 616 kung saan siya rehistrado at kung saan siya lumaki.

Ipinagkapuri naman ng mga Barangay officials sa nasabing lugar ang lady mayor, na ayon sa kanila ay kanilang sariling bayani dahil dito ito nagsimula ng kanyang political career, una ay bilang Manila Councilor, sumunod ay bilang department head, Vice Mayor, at ngayon ay bilang Mayor.



Sa kanyang maiksing mensahe, pinasalamatan ni Lacuna ang mga barangay officials at residente sa pagpapaunlak ng oras sa kanya at sa patuloy na suporta ng mga ito.

Habang ikinukunsidera niya na siya ay mapalad sa pagiging Alkalde ng kabisera ng bansa, sinabi niya na: “mas swerte po ako sa inyo dahil kayo po ang unang nagtiwala sa akin mula nung ako ay maging konsehal, vice mayor hangggang ngayon bilang mayor.”

“Ni minsan ay di ny’o po ko pinabayaan kaya naman marapat lang na ibalik ko lahat ng mga biyaya na natatanggap ko at gusto ko po itong i-share unang-una sa inyo. Gusto ko poong magpasalamat sa lahat, lahat, lahat kaya maraming salamat at sana ay pagdamutan ninyo ang aking nakayanan,” dagdag pa ng alkalde.

Sinigurado ni Lacuna sa kanila na ibibigay nya ang lahat ng kanyang makakaya upang ‘wag silang mabigo at patuloy siyang ipagkapuri ng mga ito.

“‘Wag kayong mag-alala dahil hindi ko po kayo ipapahiya. Ang buong pamilya Lacuna, mula sa aking tatay (former Vice Mayor Danny Lacuna) at mga kaanak ay walang sawang magpapasalamat sa inyo,” ayon pa kay Lacuna.



Ang alkalde ay nagsagawa rin ng gift-giving activity buong araw ng Sabado, kung saan tinampukan ito ng birthday parties para sa senior citizens at kabataan na kapareho niya ang birthday o parehong buwan ng Mayo. (ANDI GARCIA)