Advertisers
SUGATAN ang dalawang Overseas Filipino workers (OFWs) nang tamaan ng ligaw na bala at sharpnels sa Sudan.
Nasa maayos na kondisyon narin ang dalawa na napauwi na ng bansa, sabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary for Foreign Employment and Welfare Service Hans Leo Cacdac.
“On the physical side, merong natamaan ng bala sa kamay, sa braso, and meron isa na may shrapnel pero hindi naman malalim ‘yung shrapnel dito sa kanyang ulo,” sabi ni Cacdac.
Sinabi ni Cacdac na binigyan ng ‘fit to travel certificate’ ang dalawang OFWs at kasalukuyang ginagamot sa bansa.
Samantala, ang Filipino migrant workers na nagtamo ng tama ng baril ay tatanggap ng tig-P50,000 mula sa DMW at Overseas Workers Welfare Administration, ayon kay DMW Undersecretary for Licensing and Adjudication Services Bernard Olalia.
Nakauwi narin sa kanilang probinsya ang gunshor survivor at binayaran lahat ng OWWA ang gastos.
Sa ngayon, 74 Filipino ang naiuwi na sa bansa, ayon sa DMW.
Pero, may 146 Pilipino sa Sudan ang “hindi nagpakita ng kanilang pagnanais na maiuwi,” ayon kay Cacdac.
Sumiklab ang kagulohan Abril 15 sa gitna ng labanan sa kapangyarihan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at ng Rapid Support Forces paramilitary group.
Iniulat ng Health Ministry ng Sudan noong Martes na 550 katao ang namatay at 4,926 ang nasugatan sa kaguluhan. (Jocelyn Domenden)