Advertisers

Advertisers

Zamboanga Peninsula umanib sa COPA

0 141

Advertisers

Tuloy ang pagyabong ng mga miyembro ng Congress of Philippine Aquatics, Inc (COPA) matapos magsama-sama at magkaisa ang mga swimming clubs sa Region 9 para mabuo ang Zamboanga Peninsula Aquatics Sports Association.

Pinangunahan ni COPA co-founder Chito Rivera kasama si coach Anthony Reyes ang masinsin na pakikipagpulong sa mga kinatawan ng mga swimming clubs sa tinaguriang administrative region (dating Western Mindanao) na kinabibilangan ng Zamboanga City, Dipolog City, Sandagan, Pagadian at Zamboanga Sur.

Nahalal na pangulo ng ZPASA sina Gib Sing Wong, habang bahagi ng Board sina Ting Mansul (Vice President), Aniceto Villegas, Jr., (Secretary), Jesus Duque II (Treasurer), Ramil Andangan (Auditor), John Abdul (PIO), gayundin ang mga kinatawan na sina Vina Baez (Dapitan), Vince Villanueva (Zamboanga), Ruel Sumbanan (Dipolog), Dionisio Bayawa (Sandangan), Jiemark Emol (Pagadian), at Vincent Abrenica (Zamboanga Sur).



“Our mission in COPA is to unite all swimming clubs nationwide. Mahirap kasing ipush ang programa mo sa sports development lalo na sa grassroots kung watak-watak ang mga swimming organization sa mga region. Now, we’re proud to say that COPA is represented by all regional swimming associations,” pahayag ni Rivera, tournament director din ng COPA tournament sa NCR.

“Itong ginagawa naming ay resulta ring pagpupursgie ng ating COPA president at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na ma-organized ang mga swimming clubs sa lahat ng sulok ng Pilipinas,” aniya.