Advertisers

Advertisers

TSINA VS TAIWAN (2)

0 264

Advertisers

HUWAG magbiro ang Tsina sa pakikitungo sa Taiwan. Kapag nagdesisyon ang Tsina na lusubin, magiging kalaban niya ang maraming bansa na umaasa sa kanilang kalakalan sa Taiwan. May sariling ganti ang mga bansang ito kung pipilitin ng Tsina na kamkamin ang Taiwan.

Maaaring lusubin anumang oras ng Tsina ang Taiwan sa paniniwala na lalawigan ng Tsina ang Taiwan. Hindi ganyan ang tingin ng Taiwan sa sarili at maging ang international community. Ngayon, ang Republic of China on Taiwan (RoC) ay isang demokratikong estado na may sariling ekonomiya, salapi (currency), militar, at mga opisyales na halal ng kanilang mamamayan.

Pinamumunuan ng mga komunista ang Tsina na tinawag ang sarili na People’s Republic of China (PRoC). Opisyal na tinatanggap na maraming bansa ang PRoC bilang kinatawan ng bansang Tsino sa ilalim ng “one China Policy.” Ito ang batayan ng kanilang iginigiit na probinsiya lang ng Tsina ang Taiwan.



Kilusang pulitikal ang Taiwan independence movement na naglalayon ng formal declaration ng Taiwan bilang isang malayang bansa na may sariling soberanya. Kabaligtaran ito ng muling pag-iisa (unification) ng Tsina at Taiwan sa ilalim ng isang bandila.

Kung sumiklab ang digmaan sa pagitan ng dalawang bansa, hindi malayong kubkubin ng Tsina ang Taiwan. Pipigilan ng mga barko at eroplanong pandigma ng Tsina ang mga sasakyang pangkalakalan ng ibang bansa sa paglisan at pagdating sa mga pantalan ng Taiwan. Maaari rin gumamit ang Tsina ng mga eroplanong pandigma at missile upang kontrolin ang kalangitan sa Taiwan. Hindi maganda ang idudulot nito sa pandaigdigang kalakalan.

Ipinaliwanag ng mga eksperto na malaking pinsala ang dulot ng paglusob ng Tsina sa Taiwan. Mauuwi ito sa pandaigdigang recession. Maraming mamamatay at masasaktan sa digmaan. Tinatayang aabot sa $2 trilyon ang mawawala sa pandaigdigang ekonomiya.
*
KUMPLIKADO ang estado pulitikal ng Taiwan dahil inilipat ng Japan ang adinistrasyon ng Taiwan sa Republic of China (RoC) sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang paghihiwalay ng PRoC at RoC sa pagtatapos ng Digmaang Sibil sa Tsina kung saan ang PRoC ang nanalo at tumakbo noong 1949 ang RoC sa Taiwan.

Umigting ang tensyon ng PRoC at RoC noong dekada 1950, nagkaroon ng armadong labanan ang dalawang panig at sa dalawang magkahiwalay na okasyon, binomba ng PRoC ang isla na kontrolado ng RoC.

Ayon sa World Trade Organization (WTO), ay ranggo ang Taiwan bilang 16th largest exporter at 17th largest importer ng mga kalakal noong 2021. Isa ang Taiwan sa mga humahawak ng pinakamalaking foreign exchange reserves noong Disyembre, 2021. Umaabot ang gross domestic product per capita ng Taiwan sa US$33,011 noong 2021.



Umunlad ang Taiwan dahil sa mga matagumpay na programa sa land reform, structural change (urbanization and industrialization), at economic policy na nagtataguyod ng export promotion imbes na import substitution.
***
PINANGANGAMBAHAN na masangkot ang Estados Unidos at Filipinas sa sandaling sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Tsina at Taiwan. Isang mahalagang partner ng Estados Unidos ang Taiwan sa kalakalan at pamumuhunan, kalusugan, semiconductor at ibang critical supply chains. Kasama ang investment screening, agham at teknolohiya, edukasyon, at pagtataguyod ng mga demokratikong halagain sa kanilang relasyon. Nananatiling matatag ang paninindigan ng Estados Unidos sa Taiwan sa mga nagdaang panahon.

Sangkot ang Filipinas dahil sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), ang tratado na nagpapahintulot sa Estados Unidos na gamitin ang mga base militar upang mag-imbak ng mga kasangkapang pandigma sakaling lusubin ng Tsina ang Taiwan. Mayroon Mutual Defense Treaty ang Estados Unidos at Filipinas na maaaring gamitin sakaling magdigaan.

May 13 countries ang tuwirang kumilala sa Taiwan bilang isang malayang bansa: Marshall Islands, Nauru, Palau, Tuvalu, Eswatini, Vatican City, Belize, Guatemala, Haiti, Paraguay, Saint Kitts and Nevis, Saint Lucia, and Saint Vincent and the Grenadines.

Aabot sa 128 bansa ang may relasyong “people to people” sa Taiwan. Mayroon silang “cultural and economic office” na nagsisilbing pasuguan, o embassy sa magkabilang panig. Hindi malayong kilalanin nila ang Taiwan bilang malayang bansa sa sandaling sumiklab ang digmaan.
*
MARAMING natutuhan sa pagtatapos ng Balikatan. Hindi basta masusukat ang bisa at galing ng pagsasanay. Ibang uri ang pagsasanay. Panalo tayo.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “KAPAG mahinang klaseng pulis, ang tawag ay pulis patola. Maaligasgas ang balat pero subukan mong ipalo, bali agad.”- Archie Marquez, netizen, kritiko

“A tiny group of people resort to terrorism because that is the only thing they know and possess. They don’t have the arguments. Neither do they have the facility of expression to express superior thoughts or ideas. They couldn’t compete in the marketplace of ideas. Terrorism is the argument of the coward and the defeated. It’s plain and simple argumentum ad baculum. When defeated, losers resort to the argument of the rod. In contrast to mass movements, where people are encouraged to participate in any advocacy, terrorism relegates people to the background, as they are disarmed and prohibited to engage and participate in any meaningful mass action. This is why it only takes a handful of people to conduct terrorism, unlike a mass movement.”- PL, netizen, kritiko

“Kapag galing sa troll, huwag mong i-repost. Ibasura mo. Kundi kasama ka sa sabwatan na lokohin ang iyong kapwa at bansa.” – Archie Marquez, netizen

“In their propaganda materials, most candidates use pictures, which were shot five, ten, fifteen, or even twenty years ago. This is misrepresentation. Comelec should come out with a policy that would require – and compel – all candidates to use pictures taken at most six months ago. Comelec should come out with a system for this policy.” – PL, netizen, kritiko

***

Email: bootsfra@yahoo.com