Advertisers

Advertisers

June Mar Fajardo tinanggal na sa listahan ng Gilas Pilipinas

0 144

Advertisers

TINANGGAL sa listahan ng Gilas Pilipinas na maglalaro sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang beteranong manlalaro na si June Mar Fajardo.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na ayaw nilang makipagsapalaran dahil sa hindi pa tuluyang gumagaling ang injury ni Fajardo sa kaniyang tuhod.

Bukod pa kay Fajardo ay alanganin din na makasama si Scottie Thompson dahil sa malapit ng manganak ang asawa nito.



Dahil dito ay gumagawa na ng paraan si Reyes para mapunan ang nasabing kakulangan.

Magugunitang dahil na rin sa personal na rason ay hindi na sumali sa laro ng Gilas sa SEA Games sina Jamie Malonzo at Mikey Williams.