Advertisers
MAGKAKAALAMAN na ngayon kung sinu-sino ang magkaka-grupong mga koponan na magkakatapat pagsambulat ng biggest basketball show on earth na FIBA World Cup ’23 na ihu-host ng Pilipinas at co- hosts ang Indonesia at Japan.
Ang Gilas Pilipinas bilang punong-abala ng paparating na Federation Internationale Basketball (FIBA) World Cup ang may prebilehiyo na pangunahan ang 32 bansa na nag-qualify para sa tournament proper tungong official draw of lots na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.
Ang kinapapanabikang kaganapang palabunutan ay pangangasiwaan ng top FIBA officials at FIBA ambassadors na sina Argentinian Luis Scola, dating Los Angeles Lakers legend Pau Gasol, New York Knicks’ Carmelo Anthony at Ginebra San Miguel frontliner at dating Gilas stalwart na si L.A Tenorio.
Bago ang palabunutan,inilagay ang 32 kalahok na bansa sa 8 iba’t-ibang pots na ayon sa last FIBA rankings at hahatiin sa walong grupo na tig-apat bawat pot.
Ang Pilipinas ang nasa pot-1 ka-grupo ang defending champion Spain, Team USA at ang bagong Asian champion Australia. Sa Pot-2 ang France, Serbia, Slovenia at Lithuania.
Nasa Pot-3 ang Greece, Italy, Germany, Brazil habang nasa Pot 4 ang Canada, Venezuela, Montenegro at Puerto Rico. Sa Pots 5 ang Iran, Dominican Republic, Finland, at New Zealand habang nasa Pots 6 ang China, Latvia, Mexico at Georgia.Binubuo ng Pot 7 ng Jordan, Japan, Angola at Ivory Cost at sa Pot 8 ang Lebanon, Egypt, South Sudan at Cavo Verde.
Habang di pa nasisimulan ang drawing of lots ,ang Gilas Pilpinas, Team USA, Japan, Slovenia at Canada ay inilagay na sa kanilang groupings.
Nalagay ang Pilipinas sa Group A, habang ang Team USA ay na-grupo sa Group C. Ang second host country Japan ay sa Group E, at ang Slovenia. Sa Group F ang Canada.
Ang Japan na co-host na ng kaganapan ay nasa Group E, Slovemia sa Group F kabilang ang anim pang koponan ang lalaro sa Okinawa Stadium.
Bilang third host ,ang Indonesia na punong -abala sa Groups G at H, kasama ang Canada na lalaro sa new Jakarta Stadium.
Welcome to the Philippines… MABUHAY!
LOWCUT: Special shoutout sa buong staff ng The Wine Museum Hotel & Restaurant sa Tramo,Pasay City specially kay owner Ralph Joseph at super estimang personnell na si Arnold Bateller.Sa mga viajeros at staycationistas..The Wine Museum, really a place ro be!