Advertisers

Advertisers

Ryza itinodo ang akting sa pinag-bidahang pelikula

0 126

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA aming personal na opinyon, hindi na maaaring pagtaasan ng kilay ngayon si Ryza Cenon bilang aktres.
Pinatunayan niya na kaya niyang maging mahusay na artista sa napaka-epektibo niyang portrayal bilang si Aurora (taong 1900), Belen (taong 1950) at Elly (year 2020) sa pelikulang Sana Muli ng Viva Films.
Matagal na naming kilala si Ryza, kapapanalo pa lamang niya bilang Ultimate Female Survivor ng StarStruck noong 2004 (si Mike Tan ang Ultimate Male Survivor) ay nasubaybayan na namin, more or less, ang journey ni Ryza bilang artista.
At ginulat niya kami sa pasabog na acting niya sa Sana Muli na pinagbidahan nila ni Xian Lim na gumanap naman bilang si Victor (1900), Nicolas (1950) at Pepe o Pep (2020).
Maayos na naitawid ni Ryza ang tatlo niyang persona; ang mahiyain at konserbatibong si Aurora; ang mayumi at masayahing si Belen, at ang palamura, naninigarilyo at nangungalangot na si Elly.
Hindi nagkamali ang Viva Films na pagbidahin si Ryza sa isang pelikula dahil halatang itinodo nito ang nalalaman niya bilang isang aktres.
At sa totoo lang, ikinagulat din namin na may onscreen chemistry sina Ryza at Xian, na kahit may kani-kanya na silang karelasyon sa tunay na buhay (two years old na si Baby Night na anak nina Ryza at Miguel Antonio Cruz at going strong naman ang relasyon nina Xian at Kim Chiu), may kilig na hatid ang tambalang ito ng dalawa.
Sa direksyon ni Fifth Solomon, palabas na sa mga sinehan nationwide ang Sana Muli.
Nasa pelikula rin sina Candy Pangilinan, Aurora Sevilla, Josef Elizalde, Ali Kathibi, at marami pang iba.
***
GABBY NAHIRAPAN SA MGA COMMAND SA VOLTES V
CHALLENGING para kay Gabby Eigenmann ang mga linya niya sa Voltes V: Legacy.
“Kasi there’s… the lines that are given sa script pa lang, usually, yes we study it, we memorize it, but when we come to the set nag-iiba siya kasi may mga jargons, different terms, scientific terms.”
Ayon sa Google Dictionary ang jargon ay “special words or expressions that are used by a particular profession or group and are difficult for others to understand.”
Pagpapatuloy pa ni Gabby…
“Actually sa lahat ng mga projects na nagawa ko sa GMA, it’s all challenging, this one it’s different because first time ako na mag-lead at mag-command.
“So dun ako nahirapan sa mga command.
“Like pag kunyari andiyan na yung mga aliens, yung mga beast fighter na ganyan, there are terms na medyo, ‘Uy, puwede bang ulitin natin yun? Puwede bang ulitin kung paano ko sabihin?’
“Kasi, mahirap, mahirap intindihin in a way, but along the way medyo nasasanay na kami.
“Mahirap! For me medyo ito naging challenge sa akin is delivering the lines, that it wouldn’t even sound like it was dubbed, kailangang yung tunog niya commanding in reality although we know that it’s fantasy, di ba?
“Mahirap, mahirap pag sci-fi, but we went thru everything, okay naman, natuwa naman kami kahit papano natapos at naitawid namin,” natatawang sinabi pa ni Gabby na nakausap namin via Zoom sa pocket interview sa cast ng Voltes V: Legacy nitong March 13, Huwebes.
Ang iba pang bida at miyembro ng Voltes V ay sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert at Raphael Landicho bilang Little Jon.
Mapapanood na ang Voltes V: Legacy ngayong Mayo sa GMA Telebabad pero bago iyan ay patuloy na mapapanood ang special edit ng mga episodes sa unang tatlong linggo sa Voltes V: Legacy The Cinematic Experience sa SM Cinemas hanggang May 2.
Samantala, mapapanood din si Gabby sa pelikulang Papa Mascot na bida si Ken Chan at kasama rin sina Miles Ocampo, Erin Espiritu, Jericho Arceo, Tabs Sumulong, Sue Prado, Yian Gabriel, Jordaine Suan, Joe Gruta at Liza Diño.
Ito ay mula sa produksyon ng Wide International, sa panulat ni Ralston Jover at sa direksyon ni Louie Ignacio.