Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
HALOS walang pagsidlan ng tuwa at kasiyahan na nauwi pa sa pagiging emotional ng Asia’s Princess of Songs na si Emma Cordero nang i-confirm ng National Artist for Films and Broadcast Arts at nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ang kanyang pagdalo sa ika-pitong taong event ng Word Class Excellence Japan Awards (WCEJA) sa Fukuoka, Japan na gaganapin sa New Otani Hotel sa October 30, 2023.
Nangyari ang confirmation ni Ate Guy nang maging special guest siya sa on-line show ni Emcor sa Youtube, Official Emma Cordero channel noong April 2, tatlong linggo na ang nakararaan.
Ramdam din sa Superstar ang excitement sa nasabing event kung saan bibigyan siya ng tribute bilang si “Nora Aunor, The Superstar” at personal na igagawad sa kanya ang pinakamataas na karangalang ibibigay ng WCEJA sa taong ito, ang Golden Honor in the Field of Motion Picture.
Ito ang pang labing-isang okasyon ng WCEJA na ginaganap sa Japan at Pilipinas kada taon simula noong 2016.
Ani Ate Guy, “Oo naman, okay ako, walang problema lalo na’t nagkakausap na tayo tungkol diyan,” sambit ng Superstar kay Emma.
Sampung minuto lang ang inilaan ni Ate Guy sa kanyang guesting sa programa pero umabot si Ate Guy ng isang oras dahil naging interesting ang topic. (Nasa Youtube Offcial Emma Cordero channel dated April 2 ang buong episode ni Ate Guy).
Sa naganap na kwentuhan, hindi maiwasang maluha ni Emcor dahil pinag-adya umano ng Panginoon na sa pamamagitan ng WCEJA ay personal niyang makakausap at makasama ang idolo niyang naging daan para si Emcor ay maging isang matagumpay na singer ngayon.
Sambit ni Miss Emma, “nagpapasalamat ako sa Itaas at nagkaroon ako ng chance na makasama si Ate Guy. Nagpapasalamat din ako kay Ate Guy dahil mula pa noon ay pinangarap ko nang makasama siya at ito na nga ang binigay sa atin na opportunity ni Lord. Alam naman ng Diyos kung ano ang nasa isip at nasa puso natin.
“Kaya talaga ako naging emotional kasi bukod sa na-nominate si Ate Guy sa WCEJA, tapos ito na nga, magkakaroon pa ng katuparan ang pagpunta niya through her commitment. Through WCEJA”. “Pinagtagpo kami ni Ate Guy.”
Dahil mauuna ang WCEJA sa Pilipinas kesa Japan, inimbita rin ni Emcor si Ate Guy sa okasyon na gaganapin sa Heritage Hotel sa June 18.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang online show Official Emma Cordero YouTube Channel kasama ang kaibigan naming si Direk Obette Serrano at Baby Elitz Latoja every Sunday 4:30 pm Philippine time at 5:30 pm Japan time….Abaw Ah!!!
***
MARAMI ang nagsasabi na may pagka-suplado itong sikat na male singer na hirap na hirap ang fans magpa-picture. Baka raw kasi bigla itong tumanggi at mapahiya lang sila.
Pero sa mga gigs niya sa ating bansa, marami ang gustong manood dahil bukod sa magaganda ang kanyang mga awitin talaga namang magaling siyang mag-perform on stage.
Minsan may kumausap kay male singer to perform in US para sa isang ticket-selling concert dahil naisip ng producer papatok ito dahil palaging full packed ang kanyang gigs.
Pero nadismaya ang mga producer niya sa abroad dahil hindi gumagalaw ang ticket. Ibig sabihin, walang bumibili.
Kaya nagtatanong ang mga producer, ano kaya ang problema ni male singer at ayaw suportahan ng ating mga kababayan sa Tate? Kaya tuloy super flop ang kanyang concert at luging-lugi ang producer.
Nag-imbestiga ang mga producer, nagtanung-tanong sa ating mga kababayan kung bakit dinedma nila si male singer.
Napag-alam nilang malaki ang tampo ng ating mga kababayan sa Amerika kay male singer kasi nga hindi nito kilala ang iniidolo nilang sikat na female singer na minsan na ring tumira ng tatlong taon sa nasabing bansa.
So ibig sabihin kapatid na Blessie, gumanti ang ating mga kababayan kay male singer at gusto nilang hatawin ito ng kawayan…Sbaw Ah!!!