Advertisers

Advertisers

Maja tinaguriang Star for All Networks; James at Issa, na-bash muli nang maispatan sa Singapore mall

0 218

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SINASAMANTALA ni Maja Salvador ang mga oportunidad na dumarating bago pa man dumating ang pagbabago sa chapter ng buhay nito, ang pagpapakasal.
Habang wala pa nga ang pag-iisang dibdib sa fiance na si Rambo, eto’t lunalagare na ang tinaguriang Star For All Networks.
Halos lahat na yata ng network ay naikot na ni Maja.
Mula nang magpaalam ito sa Eat Bulaga ay may dalawang project na nakaabang kay Maja.
As in, lagare ang beauty nito ngayon bukod sa sitcom with Bossing Vic Sotto na kapalit ng Daddy’s Girl, eto’t standby si Maja sa taping na dapat ay this coming week at dahil di okey ang pakiramdam ni Bossing Vic at nag-rest muna ito ay waiting lang si Maja.
Dagdag pa ang pagbabalik Kapatid nito na first time lang siya magho- host ng comedy show.
Iilang buwan na nga lang ay nakatakda na ang kasal nito kaya rumatsada na ang Star For All Networks.
***
IMBES na kilig ang anihin ng new couple na sina Issa Pressman at James Reid na naispatan sa Paragon Mall sa Singapore, iba ang nangyari.
As usual, holding hands ulit nang makita at makunan ng larawan ang dalawa.
Kasama lang daw ng mga ito ang kumuha ng kanilang larawan sa mall.
Napansin din ng netizens na tila showy si James kay Issa kumpara kay Nadine Lustre dati na laging naiiwan.
Kahit ang buhok ni James ay sinabihan ng netizens na di bagay dito.
Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga mapanuri ang pananamit ni Issa na kinikuwestyon ang fashion statement nito na ipinangalandakan pa nito sa ibang bansa.
Till now ay ‘di pa rin tanggap ng netizens ang relasyon nina James at Issa, hula na mga fanatic JaDine ang nangba-bash sa bagong karelasyon ni James.
Well, well, well… ‘Yun na!