Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MAKAHU LUGAN ang naging post ni Jessy Mendiola na ibinahagi niya sa kanyang Instagram stories.
Aniya, natutunan daw niya sa buhay na minsan ay hindi na lang mag-react dahil hindi raw naman iyon makapagbabago ng mga iniisip ng ibang tao sa kanya.
Hindi raw din iyon dahilan para mag-iba ang mindset ng ibang tao para respetuhin siya.
Napagtanto raw niya na mas importante na magpokus siya hindi sa mga bagay na nangyayari sa sarili niya kundi kung paano iwo-work out ang kanyang inner peace o kapanatagan ng isip.
Wala mang direktang tinutukoy, ang tinutumbok ng aktres ay ang kanyang bashers.
Ito ang teksto ng kanyang post.
“I’m slowly learning that even if I react, it won’t change anything, it won’t make people suddenly love and respect me, it won’t magically change their minds.
“Sometimes it’s better to just let things be, let people go, don’t fight for closure, don’t ask for explanations, don’t chase answers and don’t expect people to understand where you’re coming from.
“I’m slowly learning that life is better lived when you don’t center it on what’s happening around you and center it on what’s happening inside you instead. Work on yourself and your inner peace.”
Nakakuha naman ng mga kakampi ang aktres sa kibitzers na pinupuri ang kanyang attitude sa kanyang detractors.
Ito ang ilan sa kanilang hirit.
“That’s the attitude, ghurl. Dedmahin mo lang sila.”
“Ang dami nang nega sa mundo. They really suck your energy kaya tama lang na huwag silang pansinin.”
“Social media is a toxic world. Kaya ako, once in a while, I shut myself from social media. Ang lakas kasi niyang maka-drain ng energy lalo na sa bashers na grabe maka-judge kahit hindi sila aware sa personal circumstances ng isang tao.”
“Basta maganda ka, ghurl. Nosi balasi.”
“You’re right. Kahit celebrity ka, may personal life ka. You don’t owe the world all the explanation for your actions.”
“You’re right. Stay away from negative people. Protect your inner peace.”
“Tama. You cannot please everybody.”