Advertisers

Advertisers

Cristine at Marco never itinago ang relasyon

0 137

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

HINDI na kailangang itago pa ang relasyon. Sapat na ang mga litrato na nakalantad sa social media na kitang-kita na masaya sina Marco Gumabao at Cristine Reyes.
Hmmp, di tulad ng ibang pinakatatago pa e, aamin na lang kapag naghiwalay na.
Mismong si Marco ang nagsabing in-love sa utol ni Ara Mina. Kitang kita sa kanyang post sa socmed at hindi nagtagal, inamin na nila na sila na nga.
Parang pelikula ang pag-iibigan ng dalawa at nilagyan ng tuldok na ang tinitibok ng kanilang puso e, wagas ang kanilang pag-iibigan.
Imagine, nuong nakaraang buwan ay magkasama sina Cristine at ex-husband na si Ali Khatibi dahil nagdiwang ng kaarawan ang kanilang anak na si Amara. Sa isang banda si Marco ay panay ang mensahe na may kinalaman sa pag-ibig.
Sino nga ba ang mag-aakala na silang dalawa na? Good catch nga si Marco, isang health buff at kapwa Viva artist ni Cristine. Yummy at guwapo ang half brother ni Paolo.
Well, bakit di natin sila suportahan (charrr as wa na negative comment, huh) at i-wish na sina Cristine at Marco ay magtagal ang pagmamahalan.