Advertisers

Advertisers

Bea todo-deny na inggit sa kasikatan ng BFF na si Barbie; Sugar nagreak sa isyung ibinahay ni Willie

0 143

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTA

SA isang interview ni Sugar Mercado, dinenay niya ang tsismis na kaya siya matagal nawala sa sirkulasyon ay dahil  ibinahay umano siya ni Willie Revillame.
Sina Willie at Sugar ay nagkakilala nang maging co-host noon ng una ang huli sa Wowowin.
Sabi ni Sugar,”Alam mo si Kuya Wil lahat naman ay tinutulungan niyan, ever since the world began, alam ninyo ‘yan.
“Ako ha, sorry ha, pero malaki ang naitulong niya sa akin, sa mga anak ko at sa ibang tao. Hindi lang po ako. Kilala po kasi si Kuya Wil na ganoon siyang klase na tao.”
Sa ngayon ay wala nang tulong na natatanggap si Sugar kay Willie dahil hindi na naman sila magkasama sa show.
“Ay hindi na! Siyempre iba na ‘yun! Ano ‘yun dyowa? (sabay tawa!) Huwag ninyo akong lituhin sa tanong ninyo, hindi kayo magwawagi sa sasabihin ko. Hindi, kasi ‘yun ‘yung nasa puso ko, eh. Nasaksihan ko kung paano niya kami tinulungan. ‘Yan sina Mama Donita Nose, sina Ara Arida, ‘yung mga nakasabayan ko sa pagho-host sa kanya. Lahat kami ay natulungan nya.
“Natulungan niya ako nu’ng panahong naghiwalay kami ng ex ko. Kinupkop niya ako sa istasyon n’ya. ‘Yung mga panahong nawawala ako at makakabalik ako, ‘yung ganung klase. Hindi naman lahat nabibigyan ng ganoong pagkakataon. ‘Yun palang utang na loob ko na sa kanya ‘yun. “At habang buhay pinagdarasal ko siya, ipinagdarasal namin siya. Hindi ako perpektong tao, may attitude din ako minsan, pero ang importante ay ‘yung nilalaman ng puso ko,” aniya pa.
Ayan, sa mga intrigero’t intrigera, malinaw ang sinabi ni Sugar, na tinutulungan lang siya noon ni Kuya Wil.  Ang ibang mga tao kasi, binibigyan ng malisya ang ginagawang pagtulong ni Kuya Wil lugar na matuwa na  lang sila na marami itong natutulungan.
***
WALANG katotohanan na inggit na inggit ngayon si Bea Binene sa kasikatang tinatamasa ng kaibigan niyang si Barbie Forteza dahil tagumpay ang serye nito na Maria Clara at Ibarra.
Ayon kay Bea, masaya siya sa nangyayari sa showbiz career ni Barbie pati na rin sa ka-loveteam nitong si David Licauco na talagang biglang sumikat nang dahil sa karakter niyang Fidel sa “MCAI”.
Sabi ni Bea,”Sobrang proud ako sa Maria Clara at Ibarra saka sa kanila ni David,” sabi ni Bea sa isang interview.
Ayon pa kay Bea, solid pa rin ang friendship nila ni Barbie at may communication pa rin sila hanggang ngayon. Kaya naman nakiusap siya sa mga netizen na huwag na silang gawan ng intriga.
“Hindi lang po talaga kami nakakalabas ulit kasi nga, sobrang mga naging busy. Sobrang tagal na po naming mga hindi nagkita.
“Pero ‘yun, consistent kapag may birthday, maggi-greet, ‘yung magla-like, babati, magko-comment sa Instagram and Facebook stories.
“Ganu’n po talaga. Saka hindi lang si Barbie, pati ‘yung mommy niya, si Tita Amy,” aniya pa.