Advertisers

Advertisers

Sekyu sinaksak dahil sa paninirang puri

0 130

Advertisers

SINAKSAK ang isang security guard nang lalaking ka-lugar nang kokomprontahin niya dahil sa umano’y paninirang-puri sa kanyang misis sa Malabon City, Biyernes ng gabi.

Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Regie Artuz, 34, ng Flovi Homes, Barangay Tonsuya nang magtamo ng dalawang saksak sa likod at hiwa sa kaliwang braso.

Kaagad namang naaresto ng pulisya ang salarin na si Mell Andres Sion, 23, ng 23 Flovi Homes.



Sa imbestigasyon nina Police SSgt. Diego Ngippol at Cpl. Renz Marlon Baniqued, kadarating lang sa kanilang bahay ng biktima galing sa trabaho 8:20 ng gabi nang magsumbong sa kanya ang misis hinggil sa umano’y ginagawang paninirang puri ni Sion.

Sinabihan umano ng salarin ang ginang na “pokpok, malandi at parausan” sa hindi niya malamang dahilan kaya nagtungo sa bahay ni Sion si Artuz upang komprontahin ito, pero ang ama nitong si Samuel Sion ang lumabas at nakipag-usap sa biktima.

Habang nag-uusap ang dalawa, sumulpot mula sa likuran si Sion at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima. Nagawang masalag ni Artuz ang iba pang saksak sa kabila ng tinamong dalawang tama ng saksak sa likod.

Sasampahan ng reklamong frustrated murder sa piskalya ng Malabon City si Sion.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">