Advertisers
Patay ang isang katao habang pito ang sugatan nang salpukin ng isang sports utility vehicle ang top down tricycle sa Koronadal City, nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima na si Marrisa Gabriel ng Brgy. Concepcion na idineklarang dead on arrival ng mga doktor ng South Cotabato Provincial Hospital, habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pang menor de edad na biktima.
Ayon sa ulat ng Koronadal City PNP, lulan ng topdown na minamaneho ng isang Renz Marion Ordaniel ang pitong pasahero at habang binabaybay ang national road sa bahagi ng Brgy. Saravia nang mabundol ang mga ito ng isang Isuzu Sportivo Wagon na minamaneho ng isang Ysrael Aguisando, dahilan nang aksidente.