Advertisers

Advertisers

Misis pumalag sa rape, patay sa saksak

0 131

Advertisers

Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng 27 anyos na misis nang pagsasaksakin sa loob ng bahay nang pumalag sa rapist sa Purok-1, Brgy. Quezon, Bulan, Sorsogon Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Judilyn Alminiana Gayola; habang tinutugis ang nakilalang salarin na si Eddie Mantes, 34 anyos, coconut farmer at residente ng Brgy. Quezon Bulan, Sorsogon

Sa ulat, tinangka pang isugod ng mga rumespondeng kaanak at residente sa Bulan Medicare Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktima.



Sa report, ala-1:30 ng madaling araw, mag-isang natutulog sa kanilang bahay ang biktima nang pasukin ni Mantes na armado ng patalim.

Nagising umano ang biktima sa tangkang panggagahasa ng ha­yok na salarin pero ma­tapang na nanlaban dahilan para pag­sasaksakin ito.

Matapos na makitang wala nang buhay ang ginang, mabilis na tumakas ang salarin pero nakita siya ng isang testigo at nakilala.

Agad na isinugod ang duguang biktima sa pagamutan subali’t hindi na umabot pang buhay dahil sa matitin­ding mga sugat na tinamo sa katawan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">