Advertisers
PINANGUNAHAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang konsiyerto para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at pamilya ng mga ito.
Pinamagatang “Konsyerto sa Palasyo: Awit ng Magiting,” layon ng proyekto na kilalanin ang sakripisyo ng mga sundalo sa pagpapanataili ng kasarinlan, kapayapaan, at seguridad ng bansa.
Tampok sa konsiyerto ang Samiweng Singers ng Ilocos Norte province; musical director Jeddi Cris Celeste ng Iloilo City; at ang harpists na sina Benedicto Costaños Sr. at Benedicto Costaños Jr. ng Cebu.
Nagkaroon din ng performance sina Poppert Bernadas ng Davao; Princess Vire ng Quezon City; Limuel Llanes ng Quezon Province; Marco Paolo Revidiso ng Parañaque City; A.K. Fella, Glnn, MC Julyo ng Cavite; at spoken word artist Kenli Marc Sibayan ng Ilocos Norte.
Maliban kay PBBM, dumalo rin sa okasyon sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Vice President Sara Duterte, at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Samantala, maging ang ilang Cabinet secretaries ay present din sa event, gayundin sina Senators Cynthia Villar, Jinggoy Estrada at Francis Tolentino. (GILBERT PERDEZ)