Advertisers
Pinatay ng hindi nakikilalang salarin ang isang ginang nang pasukin at pagnakawan ang bahay sa Sitio Eleazar, Brgy. Mambog, Quezon noong Biyernes.
Kinilala ang biktima na si Melinda Martinez, 52, magsasaka at residente sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, natuklasan ang walang buhay na katawan ng biktima ala-1:00 ng hapon.
Nagkalat din umano ang mga kagamitan sa loob ng bahay na palatandaang nilooban ang ginang at hinihinalang nanlaban ito sa salarin kaya tinuluyang paslangin ng huli.
Inaalam na ng pulisya kung may CCTV sa mga kalapit na bahay at sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan sa salarin.