Advertisers
INARESTO ang apat na foreigners sa ginawang kalaswaan sa isang resort sa Siargao, Surigao del Norte.
Sa ulat, dalawang lalaki at dalawang babae ang pumasok sa Siargao Bleu Resort & Spa kungsaan nandoon ang isang pamilya para magdiwang ng birthday.
Bandang 1:00 ng madaling-araw pumasok ang apat na foreigner sa resort, inakala ng pamilya na guest ang mga banyaga kaya hinayaan lang nila ito. Ngunit nagulat sila nang bigla nalang magtalik ang apat na foreigner habang napapanood sila ng pamilya kungsaan mayroon pang mga bata.
Isang bata ang nasuka, habang ang isa naman niyaya pa ng mga foreigner para sumali sa kanilang orgy.
“This incident had caused so much shock, insult, trauma to everyone,” ayon sa pahayag ng resort.
Dinakip ang apat na foreigner at ‘guilty’ sila sa trespassing at ‘Immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows’.
Kinasuhan din ng resort ang mga foreigner dahil sa ‘damages’ sa kanilang kompanya, at naghain din ng ‘deportation case’ para hindi na makapasok ang mga ito sa bansa.