Advertisers

Advertisers

300 FILIPINOS SA SUDAN, SASAKLOLOHAN — MARCOS

0 134

Advertisers

NAGHAHANDA na ng contingencies ang pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng nasa tatlong daang mga Pilipino na naiipit sa kaguluhan sa Sudan.

Ayon kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr., kumukuha na ng impormasyon sa ground ang gobyerno para sa kaukulang paghahanda kung paano mailalabas ang mga Pinoy mula sa Khartoum, ang kabisera ng bansa na nasa hilagang bahagi ng Africa.

“We have about 300 people in Sudan. Unfortunately, none of the airports are functioning. They are still under fire,” wika ni Marcos.



Inaalam pa aniya ng mga taong gobyerno kung saan ligtas at maaaring dumaan ang mga ating mga kababayan doon.

“Also, we cannot ascertain a secure land route for them to leave. It is a long road from Khartoum to Cairo which is where our embassy is, that is in charge also of Khartoum and Sudan,” sabi ng Pangulo.

Sinabi ni Pang. Marcos na bumabalangkas na ng evacuation plans at contingencies ang pamahalaan para rito.

“We are just waiting to get better information as to whether or not it will be safe to bring our evacuees out of Khartoum, perhaps into Cairo,” giit ng Presidente.

Unang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at Rapid Support Forces paramilitary group noong April 15, 2023. (GILBERT PERDEZ)