Advertisers

Advertisers

TULONG PARA SA MGA NASUNUGAN SA PASIG CITY

0 183

Advertisers

Hindi kinaligtaaan ni Senador Kuya Bong Go na alamin ang kalagayan ng 212 residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City na naging biktima ng sunog kamakailan.

Ngayong araw na ito, April 14, ay personal niyang binisita ang mga ito at pinagkalooban ng ayuda. Bukod kay Senator Bong Go, naroon din ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nagbigay tulong din sa mga biktima, gaya ng DSWD, NHA at DTI.

Paalala niya sa mga nasunugan, bagaman at malungkot ang nangyari at nakapanghihinayang ang mga naipundar na natupok, ang mahalaga ay buhay at may pagkakataon pang makabangon muli. Aniya, maging maingat na sa susunod, at maging mapagmatyag sa mga posibleng maging sanhi ng sunog sa kanilang lugar.



Pinayuhan din ng senador ang mga residente na kung kailangan ng tulong medikal ay lumapit lang sa alinman sa Malasakit Center sa Metro Manila.

Samantala, dumalo sa relief activity ang ilang local officials ng Pasig na sina Congressman Roman Romulo, Councilor Sybel Asilo, Barangay Captain Maricar Vivero at mga kagawad ng Brgy. Pinagbuhatan. (CESAR MORALES)



style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">