Advertisers

Advertisers

POSPORO!!!

0 183

Advertisers

“WE expect him to behave properly, at nirerespeto naman natin yung kanyang pagiging Member ng Lower House kahit na suspendido siya… Huwag lang siyang magiging unruly…” Ito ang fearless forecast ni Bato de la Rosa matapos sinabi ng suspendidong mambabatas Arnulfo Teves na dadalo siya sa Senate Inquiry tungkol sa pagpaslang ni Negros Oriental governor Roel Degamo sa Lunes Abril 17, 2023. Natawa ako dahil virtual pala ang pagdalo ni Teves. Mas natawa ako dahil ipinangalandakan ni Bato na dadalo si Teves sa Senate inquiry. Pero ang pagdalo ni Teves ay virtual, ibig sabihin wala siya doon. Napag-alaman natin na mismong si DOJ secretary Crispin “Boying” Remulla ay dadalo sa hearing. Ewan ko lang pero ito ang sapantaha ko: Samakatuwid, kumbaga sa nagbebenta ng pekeng ginto, kapag ibinabad sa suka, white gold. Lakas maka budol ni Bato ah.

***

Inaanyayahan pala si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagputong ng korona sa ulo ng bagong hari ng Inglatera si Charles III. Sa pormal na paanyaya ng gobyernong Ingles tanging ang presidente at unang ginang ang inanyayahan. Ilan ang mga “official sabit?” ‘Eka nga ng narrator sa trailer sa pelikula: Abangan ang “coming soon”.



***

SA katatapos na pagsasanay militar na isinagawa ng China malapit sa dalampasigan ng Taiwan, ipinamalas nila ang pambrabraso sa bansang tinagurian nilang bahagi ng kanyang teritoryo. Isang harapang panduduro sa bansang kumalas at lumisan nang sakupin ng pwersang komunista ang mainland noong 1949. Noon, walang habas na kinanyon ng PLA ang isla hanggang sa nagkaroon ng stalemate, o pagtigil sa panganganyon ng, dahil naubusan ng bala ng kanyon ang PLA. Nag-anunsyo ng tigil-putukan o unilateral ceasefire ang PLA noong Oktubre 6, 1958. Gumamit ng ibang istratehiya ang PRC at unti-unting nangibabaw nang isa-isa kinilala ang PRC na lehitimong bansa, at ang Taiwan ay unti-unting iniluklok sa isang sulok. Fast-forward tayo sa kasalukuyan sa panibagong panduduro sa ROC. Hindi pa rin tumitigil sa panduduro ng PRC sa tinuturing nilang “renegade province” at mismo mula sa bunganga ng kanilang presidente Xi Jing Pin namutawi ang mga salitang kahit sapilitan, babawiin nila ang Taiwan.

Mula nang itigil ang Sino-American Mutual Defense Treaty noong 1980, nagmistulang ulila ang Taiwan. Ito lang. Sa mga ipinamalas ng PRC na panunuwag sa mga bansang kinakaya-kaya niya, mahirap na paniwalaan ito. Mapagbanta lang ang puno ng retorika ang sila. Sa kasapakat lang ng mga Quisling na lider bumebenta sila. Dito sa Pilipinas naglitawan na parang kabute ang mga ganito. Dahil lantarang namayagpag at naging trending sa kanila ang kataksilan, lumutang sila at natukoy na. Ngunit iisa ang pagmumukha nila. Duwag sila. Tulad ng amo nilang taksil. Hindi magtatagal at haharap siya, sampu ng kanyang kasapakat sa katarungan. Opo, duwag sila tulad ng inaamo nilang PRC. Kinakaya lang nila ang batid nilang mahina. Simula’t sapul sangkot ang PRC sa sigalot sa mga bansang katabi nito. Kaya sang-ayon po ang inyong lingkod sa sinabi ni Propesor Jay Batongbakal na ang Pilipinas ay hindi maaari maging neutral sakaling magkaroon ng digmaan sa pagitan ng US at Tsina.

Hindi ako kampi sa Amerika o Tsina. Paniwala ko may kakayahan tayong itaguyod ang karapatan natin bilang bansang may kasarinlan, pero dahil pragmatista ako, paniniwala ko na kailangan natin ang kaakibat. Hindi natin kaakibat ang Tsina. Wala silang isang salita. Bagkus, malakas silang nanduro sa bansang inaakala nila na kaya nila. Sa panibagong pambabraso nila, masusubukan ang tapang nila, at makikita ang tapang ng matagal nang nagtitimping mga Pilipino. Maging kasapakat nila makikitang tinatalupan ng buhay sa kalsada. Masasabi niyong Anti-Tsina ako, at ang masasabi ko lang: AMIN ANG MA MON LUK!!! POSPORO!!!

***



Mga Harbat sa Lambat: “All the best to those who took the 2022 Bar Examinations. Be humble. Prepare yourselves. Accept the results. Your attitude to success or failure contributes to your character. Becoming a lawyer is not an individual aggrandizement, but a profession for others to do justice…” – Marvic Leonen, Senior Associate Justice, Korte Suprema Abril 14, 2023

“Ang problema sa Pilipinas ay inflation, corruption, lack of classrooms, unemployment, traffic, etc. Blame it on the 1987 Constitution… And mandatory ROTC is the solution!…” – Maris Hidalgo, OFW, netizen

“The President who owes the government 203-B in estate tax reminds citizens of the deadline for paying their income tax. By this very act, BBM shows the world the one solitary reason why his government exists…UTTER SHAMELESSNESS! Sa Tagalog, SOBRANG KAPAL NG MUKHA!!!…” -Norman Naguit

“No one is completely useless… They can always serve as a bad example…” -Luna Miranda, netizen

“Siniguro ni Bato na papasok sya sa bilangguan, nang kinuha nyang abugado si Tolentino ng walang anuman. Ang unang depensa ni Tolentino ay gumawa daw ng batas ang Senado na bawal pumasok ang mga taga ICC sa Pilipinas…”- Ding C. Velasco, netizen

***

Jok Taym (mula sa pilyang kaibigan na itatago lamang natin sa pangalang Maris Hidalgo):
During the pandemic:
Netizen 1: “Free for all po ba ang cremation?…”
Netizen 2: “Hindi po, sa mga namatay lamang po…”

***

mackoyv@gmail.com