Advertisers
INILUNSAD na kahapon ang makabuluhang proyekto para sa kapatiran na pang- kabuhayan partikular sa kanayunan.
Sa pangunguna ni Agila CLR XLV Governor at Guardians International Brotherhood Foundation,Inc.( GIBFI) International President / Master Founder Rafael Agcaoili,binuksan na ang Best Grow Food Supplement ng AESO International Trading Corp. sa kanilang multi- purpose na gusali para sa direktang pagbili ng mga pangangailangang agrikultural ng mga kapatid na magsasaka sa lalawigan ng Iloilo.
Iprinisenta ni Kuya Gov.Agcaoili ang unique na organic fertilizer na maa-avail sa napakamurang halaga kumpara sa mga dati nang pataba na nagbabaon nang husto sa pamumuhay ng kababayang magbubukid.
Kabilang din sa mabibiyayaan ng noble project ni Master Founder ang mga households kung saan ay maka-avail ng pinakamurang halagang essential condiments na toyo,suka,patis,ketsap atbp.na kayang mag-supply sa buong rehiyon.
Malaking katipiran para sa mga ordinaryong households at nagbibigay din ito ng trabaho at livelihood para sa mga angkan ng kapatiran .
Mayroon ding mga produktong pamatay sunog para sa mga kagamitang fire extinguishers laan naman sa mga bago at lumang gusali sa pamayanan na required ng batas nationwide na doble ang baba ng halaga kumpara sa mga nabibili sa mga pamilihang bayan o siyudad.
” Nais nating makatulong in our humble way sa ating mga kapatiran,una dito sa Iloilo then nationwide na ang ating scope,” wika ni Agcaoili na naging adbokasiya na ang makatulong sa masang Pilipino.
Kaakibat ng kabuhayan ay ang pagpapanatili ng kalusugan pisikal – ang paglagay ng fitness gym at pagdaraos ng sports activities sa pinaka- itaas na ng gusali ng Gadea sa bgy..Imbang Grande,Passi City.
Si boadcaster – Gilas columnist lKuya Rey Berador ,consultant ng CLR XLV Eagles Cebu ang syang nag-cut ng symbolic ribbon matapos basbasan ng Pari ang loob at labas ng gusali .Katuwang sa tradisyunal na ribbon cutting sina Kuya Eagle -Gilas columnist Atty.Modesto Jay Lacambra,Atty .Tet Gomez-Valdez,Gilas columnist Te Mitz Sunico,Kuya Eagle Bonnie Bargan,Cherryl Bargan,Shella mae Deduro,Kuya Leo Bicaldo,Kuya Judy Baga-An ,Kuya Greg Agpoon,Kuya Enjel Manato,Ate Rosa Mae P.Mayo at iba pang miyembro ng Kapatiran.
Kasunod na ng proyektong ito ni Kuya Gov Agcaoili ang makamasang Pabahay para sa Kapatiran na nakapadron sa programa ni PBBM na Pabahay para sa mga Plipino..MABUHAY!