Advertisers

Advertisers

Carmina inamin, Zoren atat mag-guest sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’

0 202

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ISANG taon na sa April 27 si Sylvio, ang baby boy nina Angeline Quinto at fiancé niyang si Nonrev Daquina.
Ano na ang mga milestones so far habang lumalaki si Sylvio?
“Madami na po! Pero ang unang-unang na-witness ko po talaga yung nagsalita siya ng mama, at nandoon ako.
“Parang hindi ko alam yung magiging pakiramdam, ganun pala talaga.
“Naiiyak ako sa tuwa nung narinig ko. Yung gusto ko siyang paulit? ‘Ano yun, Sylvio?’ Mama, Mama, Mama.’
“Tapos sabi nila, ‘Ay naku mas magiging malapit sa iyo yan kasi unang tinawag ka, hindi ang Papa’, ganun daw po yun.
“Sobrang plus points po iyon bilang nanay.”
Ngayong isa na siyang ina, ano ang nadiskubre ni Angeline na hindi niya alam dati, na ikinagulat niya?
“Hindi po pala talaga madali ang maging nanay. Tsaka yung pagiging nanay parang hindi mo kailangang, alam mo yun, parang hindi siya kailangang pag-aralan.
“Kasi ako sa totoo lang po, nung ipinangak ko si Sylvio, takot na takot akong hawakan siya kasi ang liit-liit! Tapos sabi sa akin nung isang nurse na nagbantay po sa akin sa hospital sabi niya, ‘Ma’m hindi kita tuturuan, subukan mo lang.’
“Tapos ganun, pagbuhat ko sa kanya marunong pala ako!
“Yung mga ganung bagay, na ang pagiging nanay pala automatic yan. Pag nakita mo yung bata magagawa mo ng lahat.
“So medyo, mahirap din po na maibalanse yung oras sa trabaho at pagiging nanay pero kinakaya, sa tulong din ni Nonrev, kasi minsan pag wala po ako sa bahay siya talaga yung nakatutok kay Sylvio.”
May business sina Angeline at Nonrev, ang Twinqle baby products na ang mga produkto ay Top To Toe Wash, Atopic Soothing Lotion, Bar Soap, Stretchmark Oil, Outdoor Insect Spray, Diaper Rash Cream, Nursing Balm at Scar Serum.
***
SA pinakaunang musical stageplay ni Anthony Rosaldo na Ang Huling El Bimbo ay may mga dance sequences siya bukod sa pagkanta.
Challenge ba sa kanya na sumayaw habang kumakanta?
“Challenge din po kasi within the musical po kasi maraming scene po tapos bilang ako po si Hector Samala, isa po ako sa lead so konti lang po yung time ko to breathe.
“Talagang dire-diretso po yung scenes ko, magkakatuhog po.
“So yung sayaw po talagang nakaka-challenge po, hingal na hingal po talaga ako kasi dire-diretso po siya! After kong sumayaw konting scene tapos sasayaw na naman so parang talagang yung stamina ko kailangan ko pong palakasin.
“And also I have to always be physically fit kasi mahirap nga pong talaga.
“It’s a challenge to dance, and sing and act at the same time.”
At dahil nga physically fit si Anthony, biniro namin siya na mas lalong darami ang post niya ng shirtless na mga litrato niya sa kanyang Instagram account.
“Tama,” at tumawa si Anthony, “nag-start na nga kasi ano e, alam niyo I lost weight, like parang three kilos po yung nabawas sa akin dahil kaka-rehearse lang po.
“And good thing naman gusto ko naman po yung pumayat ng konti so maganda rin po na naging araw-araw yung rehearsal kasi napraktis po ako at the same time po nakuha ko po yung physical aesthetic na gusto ko.”
Mapapanood ang Ang Huling El Bimbo musical play simula sa April 21.
Mapapanood ito tuwing Biyernes at Sabado tuwing alas otso ng gabi at may matinee performances naman tuwing Sabado at Linggo alas tres ng hapon.
Si Dexter Santos ang direktor ng Ang Huling El Bimbo musical play na gaganap si Anthony bilang Hector Samala at mapapanood sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts.
***
NAKAPAG-guest na sa Abot Kamay Na Pangarap ang kambal na anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy Legaspi, at dahil extended nga ang show, may posibilidad kaya na mag-guest naman si Zoren sa show?
“Ay why not? Malay mo naman. Di ba? Since hanggang 2028 kami, di ba,” at muling tumawa si Carmina. “May pag-asa namang mag-guest.
“Alam mo actually gusto talaga niya. Gusto niya talagang mag-guest pero kasi may Urduja pa.”
Mainstay si Zoren sa umeere rin ngayon sa GMA na Mga Lihim Ni Urduja.
“E malay mo naman pag natapos na yung Urduja puwede namang gumanun si Zoren. Why not, why not, di ba? Gusto niya, gusto niyang mag-guest.
“Puwede naman, puwede naman kung may maganda namang istorya na puwede siyang ipasok pero wala naman ako sa posisyon para magsabing, ‘Ah kailangan i-guest natin siya!’
“Di ba? Wala naman ako sa ganung posisyon.
“Pero gusto talaga niya, gusto niyang mag-guest talaga. So kung anumang role e hindi natin alam.”
Bida rin sa Abot Kamay Na Pangarap si Jillian Ward bilang Dra. Analyn Santos, at kasama rin sa serye sina Richard Yap bilang RJ Tanyag, Pinky Amador bilang Moira Tanyag, Kazel Kinouchi bilang Zoey Tanyag, Wilma Doesnt bilang Josa Enriquez at marami pang iba.