Advertisers
Nagpalit ng logo ang Presidential Communications Office (PCO).
Ito’y upang mas mabisa nitong maibahagi ang misyon bilang pangunahing ahensya ng ehekutibo sa paghahatid ng impormasyon sa publiko.
Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, simula ngayong araw ay gagamitin na ng departamento ang bago nitong logo kung saan kasama sa disenyo ang watawat ng Pilipinas.
May nakalagay din dito na tatlong bituin na magsisilbing kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Bagama’t walang binago sa kulay ng logo na pinagsamang kulay asul at ginto, may nakalagay na rito na pluma na sumasagisag sa pagsulat at komunikasyon.
Ginawa namang kidlat ang dulo ng pluma na balahibo ng manok na ayon kay Garafil ay tanda ng mabilis na pagpapadala ng balita at impormasyon sa mamamayan. (GILBERT PERDEZ)