Advertisers

Advertisers

P6.8m shabu nakumpiska sa Taguig

0 132

Advertisers

NASA sa P6.8 million halaga ng shabu ang nakumpiska sa “high value pusher” sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Police Brigadier General Kirby John Kraft ang suspect na si Mark Musay Salonga, 43, taga Pateros.

Sa report, 10:45 ng gabi nitong Martes nang maaresto ang suspect sa Arca South Compound, Taguig City.



Sa pagkakadakip sa suspek, nakumpiska mula dito ang nasa isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million.

Sinampahan ang suspect ng kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11, sa ilalim ng Art II of RA 9165.

Nasa custody na ng SPD si Salonga.(GAYNOR BONILLA/MARK OBLEADA)