Advertisers
Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency Central Luzon ang dalawang drug peddlers na sangkot sa bultuhang distribusyon ng marijuana sa Bulacan nitong Miyerkules sa isang pribadong parking lot sa Barangay Balili, bayan ng La Trinidad, Benguet.
Kinilala ang mga naaresto na sina Marion Tinapen Asislo, 35; Amado Paycao, 40, kapwa taga Santol, La Union.
Nasamsam sa buy bust operation ang labinlimang kilo ng cannabis sativa (marijuana) na nagkakahalaga ng P1,700,000.
Pinaniniwalaang sangkot ang mga suspek sa bulk distribution ng marijuana sa Bulacan at mga karatig lalawigan sa Central Luzon.
Ayon sa report, nagbunga ang sting operation ng pagkarekober ng 14 na piraso ng tape-wrapped tubes na naglalaman ng humigit-kumulang 15 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nasa 1,700,000.00 ang street value; at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.
Magkatuwang na isinagawa ang operasyon ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Bulacan Provincial Office at PDEA CAR.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.(Thony D. Arcenal)