Advertisers
NADAKIP ang tatlong “manyakis” na magkakapatid na suspek sa paulit-ulit na panggagahasa sa menor-de-edad na anak at stepdaughter sa Baggao, Cagayan.
Sa bisa ng arrest warrant, dinakip ang magkakapatid sa kasong ‘incest rape’.
Unang biktima ng panggagahasa ng 34-anyos na amain ang kanyang stepdaughter na nagsimula 2014.
Maliban sa amain, hinalay din ng 29-anyos na tiyuhin ang biktima na nagsimula noong 9-anyos pa lamang at tumagal hanggang 2016 kungsaan hindi na mabilang kung ilang beses siyang pinagsamantalahan.
Bagama’t nalaman ng kanyang ina ang ginagawang pang-aabuso sa kanyang anak, hindi nito magawa makapagsumbong dahil sa takot at sa kahihiyan kung kaya nagdesisyon itong ilayo ang anak at manirahan na lamang sa ibang rehiyon.
Aniya, mananahimik nalang sana siya, subali’t nang mabalitaan noong 2022 na ginagahasa rin ng kanyang kinakasama ang kanilang 6 taon gulang na anak, kasama ang isa pa niyang tiyuhin na edad 20-anyos, na nagsimula 2017, ay nagpatulong na ito sa lokal na pamahalaan kungsaan sila nanirahan at agad namang nakipag-ugnayan sa LGU-Baggao at DSWD.
Hindi, aniya, nito inakala na gagawin ng magkakapatid na abusuhin ang iniwang anak dahil kadugo nila ito.
Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng isang residential care facility sa ibang rehiyon ang dalawang biktima.(REY VELASCO)