Advertisers

Advertisers

Ex-convict huli sa higit P3m shabu sa CdeO

0 132

Advertisers

Nahaharap na naman ng kasong pag-iingat at pagbebenta ng ilegal na droga partikular ng shabu ang kakalaya lang na bilanggo nang makompiskahan ng milyun-milyong halaga ng ilegal na droga sa 9th Street,Barangay Nazareth, Cagayan de Oro City.

Sa ulat, kumagat sa inilunsad na anti-drug buy bust operation sa grupo ni City Drug Enforcement Unit commander Police Maj. Aldren Baculio ang target suspect na si Michael Jay Bryan Pacardo, 33, at residente sa Zone 8, Zayas, Barangay Carmen nitong lungsod.

Inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na nakompiska mula sa suspek ang 450 gramo ng shabu na mayroong estimated market street value na higit tatlong milyong piso.



Sinabi ni Navarro na kinasuhan ng kanilang kasamahan si Pacardo nang paglabag ng ilang probisyon ng Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya nitong lungsod.

Natuklasan na higit isang taon pa na nakalaya ang suspek mula sa Davao Penal Colony dahil konbiktado sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 o pagbebenta ng ilegal na droga sa syudad.