Advertisers
ANG Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng ating bansa at ng Estados Unidos ay hindi para sa iba o para sa mga bansang halos binubully na tayo.
Ito ay mariin din sinasabi ng ating Department of National Defense (DND) na tinitiyak na wala rin itong nalalabag lalo na sa ating bansang kasarinlan.
Ito ay pagsasanay lamang ng ating mga kawal at mga sundalo ng America na ang tanging hangarin ay patatagin lamang ang uganyan ng dalawang bansa.
Hindi rin ito nakatuon upang tapatan ang ibang bansa na pinopormahan tayo, kung di ay mamidernize ang ating militar at mapanatili ang alyansa para sa kapayapaan sa rehiyon ng Indo-Pacific at Asia.
Nagpahayag din Kasi ang China na Ang military exercise raw na ito, ay makakapagdulot lamang ng kalituhan at maaaring magsangkot sa Pilipinas sa kaguluhang namumuno sa pagitan ng mga Intsik at Taiwan.
Naki-sakay na rin dito ang maka-komunistang-teroristang Gabriela party-list na kinakatawan ni Arlene Brosas na nagsabi, ang mga napiling pagdadausan ng EDCA raw ay gastos lamang gamit ang mga buwis na ibinabayad natin.
Ipinipilit pa ni Brosas na magkakaroon ng todo-pasang pangingi-alam ang US sa paggamit sa mga lugar na pagdadausan ng mga pagsasanay, nang Wala man lamang ibinabayad na upa ang mga Kano sa atin.
Hindi tayo kailangan talagang maningil ng upa para sa paggamit ng mga lugar na pagsasanayan ng ating mga sundalo at ng America. Dahil tayo ang nag-imbita sa mga Kano na gawin ito.
Katunayan, ang mga sundalong Kano pa nga ang magpopondo at magtatayo ng mga pasilidad na kakailanganin para sa EDCA, na makakapagbigay din ng trabaho sa ating mga kababayan.
Huwag na nating palakihin o gawan ng mga isyu ang EDCA. Bukod sa mapapalakas nito ang kakayahan ng ating mga sundalo, hindi ito nakaumang para tayo ay dumipensa o makisali sa kaguluhan ng China at Taiwan.
Simula’t sapul ang ating Armed Forces of the Philippines ay talaga namang itinatag o itinalaga ng Saligang Batas bilang taga-pagtanggol natin sa anumang panganib. Ang pagpapalakas ng ating AFP ay dapat lamang at tungkulin ng bansa.
Hindi rin lang naman America ang pinanggagalingan ng mga modernong kagamitan ng ating militar, marami pang ibang bansa ang mga kinakausap ng ating DND para sa mga bagay na ito.
Mahalaga, tayo ay kumikilos para sa ikakahusay ng ating mga sundalo.