Advertisers
Patay ang tatlong-buwan gulang na sanggol nang makagat ng aso sa President Manuel A. Roxas, Zamboanga del Norte.
Ayon sa ulat, nakita sa CCTV footage noong Abril 3 sa isang gasoline station ang pagpasok ng aso sa kwarto kung saan nagpapahinga ang sanggol.
Lumabas pa ito sa tabi ng magulang ng bata na parehong nagtatrabaho sa istasyon.
Ngunit nang makita ng magulang ang aso kanilang tinalonan ito at napagtanto na nakagat nito ang ulo ng kanilang sanggol habang natutulog ito.
Nagmadali ang magulang upang dalhin sa ospital ang bata ngunit idineklarang patay na ito.
Hinahanap na ng otoridad ang may-ari ng aso.