Advertisers
NADAKIP ang dalawang construction worker nang mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.
Kinilala ni Quezon City Police District station 3 Talipapa chief PLTCol. Mark Janis Ballesteros ang mga nadakip na sina Ricky Maco, alyas Win, 43, at residente ng No. 24-F Carlos, Brgy. Baesa, QC; at Joven Namang, alyas Bungo, 37, tubong Sugirao Del Sur at residente rin sa naturang address.
Nabatid kay PCpl. Erwin Estrera Cordero investigator nadakip ang mga suspek sa No. 24 F-Carlos, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City 2:30 ng madaling araw nitong nakalipas na Abril 11, 2023 (Martes).
Ayon kay Cordero na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa pangunguna ni PCapt. Darwin Pua chief ng Station Drug Enforement Unit (SDEU) ng Talipapa police laban sa isang alyas Win at alyas Bungo sa naturang lugar dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na droga.
Nang madakip ang suspek na si Joven Namang alyas Bungo, sinabi nito na gamot lamang niya sa kanyang hika ang iligal na droga at ginagamit niya ito kapag nahihirapang huminga.
Sa report, Top 1 drug suspek ng QCPD Station 3 Talipapa si Namang sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.
Kasalukuyan ngayon nakapiit sa naturang himpilan ng pulisya ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boy Celario)