Advertisers

Advertisers

16-anyos timbog sa P.1M shabu

0 107

Advertisers

Arestado ng mga operatiba ng Taguig police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang 16 taong gulang na pusher na nahulihan ng P120,360 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation nitong Abril 11.

Ang nadakip na suspek itinuturing bilang isang Child in Conflict with the Law o CICL.
Ayon sa Taguig City police, inaresto ang suspect sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng SDEU 1:30 ng madaling araw sa Road 19, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Narekober sa posesyon ng suspect ang 10 plastic sachets na naglalaman ng shabu at may bigat na 17.7 gramo na nagkakahalaga ng P120,360 at dalawang P100 piso na ginamit na buy-bust money.



Ang nakumpiskang di-umnao’y shabu na gagamitin bilang ebidensya sa pagsampa ng kaso laban sa suspect ay naiturn-over na sa Southern Police District Forensic Unit sa Camp Bagong Diwa, Taguig, para isailalim sa chemical analysis.