Advertisers
SA Aug. 10, 2023 na gaganapin ang coronation night na idaraos sa UP Theater, ang Miss World Beauty Organization Top Model Philippines.
Hatid ito ng Maharlika Productions Inc. na inilunsad sa media kamakailan.
Mahigit 25 aplikante na ang lumahok sa patimpalak na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa Aug. 5 naman gagawin ang pre-pageant at umaabot sa 1 million worth of prizes ang nakatakdang mapanalunan.
Ang national director ng pageant ay si Doods Domingo na isang international beauty pageant coach na humahawak ng mga beauty queens mula sa Brazil, Mexico, Indonesia, India, Japan, France, Canada at iba pa.
Ngayong taon lang, naipanalo niya ng korona si Ms. Indonesia sa Ms. Aura at Ms. Face of Humanity. Gayundin, wagi rin ang dalawang 2nd runners-up para sa Ms. Grand International at Ms. Charm.
Nagawa ring maipanalo ni Doods sa iba’t ibang international beauty pageants ang ilang beauty queens, gaya ng Ms. Grand International, Ms. Globe, Ms. Intercontinental, Ms. Earth at Ms. Eco.
Nakapag-uwi rin si Doods ng karangalan bilang Dedicated Teacher Awardee nung 2019, at naging kasapi pa ng Ten Outstanding Students of the Philippines nung taong 1989.
Si Domingo rin ang tanging Pinoy na naging judge sa Ms. Earth Indonesia at Ms. Tourism Indonesia.
Gayundin, siya ay isang theater actor, director, teacher at global beauty pageant Q & A coach.
Sa mga nais pang humabol at sumali, ang mga kuwalipikasyon ay ang mga sumusunod: 17-32 years old, may taas na at least 5′, may pleasing personality, single o married at holder ng Philippine passport.
Kaya sali na at malaking oportunidad ang naghihintay sa inyo. (BKC)