Advertisers

Advertisers

Gladys tinalo sina Bela at Kylie na best actress sa Summer MMFF Gabi ng Parangal 2023

0 149

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SI Gladys Reyes ang tinanghal na Best Actress sa katatapos lang na Summer Metro Manila Film Festival 2023 Gabi ng Parangal para sa role niya bilang si Nita sa Apag, na namatayan ng asawa.
Napanood namin ang nasabing pelikula, and in fairness, mahusay rito si Gladys. Kakaibang akting ang ipinakita niya rito. Hindi siya rito nagtataray. Subdued ang akting niya. Deserving talaga ang misis ni Cristopher Roxas sa award na kanyang natanggap.
Sa kanyang acceptance speech, hindi nakalimutang pasalamatan ni Gladys ang co-stars niya sa Apag na sina Sen. Lito Lapid, Jaclyn Jose at Coco Martin, na siyang lead actor dito. Pinasalamatan din niya ang kanilang direktor na si Brilante Mendoza.
Sa interview sa mahusay na aktres, sinabi niya na hindi siya umasa na mananalo. Napanood daw kasi niya ang pelikula nina Bela Padilla at Kylie Padilla na nakalaban niya sa Best Actress category, at nagalingan siya sa mga ito. Na parang inisip niya na isa sa dalawa ang tatanghaling Best Actress. Pero ayun nga, siya pala ang wagi.
Congratulations Gladys.
***
SA pamamagitan ng kanyang Twitter account ay humingi ng pasensya si Chito Miranda sa mga fan na hindi niya napagbigyan na magpa-selfie sa kanya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa Instagram, ipinost ni Chito ang screenshot ng kanyang tweet, kung saan ipinaliwanag niya kung bakit hindi niya na-accommodate ang fans na gustong magpa-selfie sa kanya.
Tweet ni Chito,”Nais ko lang po mag-sorry sa mga kasabay namin sa flight kanina na hindi ko napagbigyan magpa-picture paglapag natin sa NAIA.”
“Medyo aligaga lang kami ni Neri kasi tulog si Cash at ang dami namin kelangang asikasuhin, bitbitin na gamit, along with pag-alaga kay Miggy and Ate Pia.”
Kagagaling lang ni Chito sa US tour ng banda niyang Parokya ni Edgar kung saan nakasama rin niya ang asawang si Neri at ang tatlo nilang anak na sina Pia, Miggy at Cash.
Natutuwa naman si Chito dahil naiintindihan siya ng mga fan. Walang violent reaction ang mga ito. At least, nagawa naman niyang humingi ng sorry, di ba?