Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Masaya si Christine Bermas na pagkatapos na mag-all out sa “Scorpio Nights 3” ay nabibigyan na siya ng Viva ng pagkakataong maipakita ang kanyang galing sa pag-arte na hindi lang niya kailangang magbilad ng katawan kundi mai-showcase ang kanyang range as an actress.
“Iyon naman talaga ang goal ko, ang maipakita na aside po sa pagpapa-sexy ay mai-showcase po ang acting ko,” aniya. “Gusto ko rin po kasi na mai-showcase iyong kakayahan ko hindi lang sa sexy films kundi sa drama at iba pang genre,” dugtong niya.
Aminado naman siya na sa kanyang latest starrer na “Sapul” ay hindi kasing-tindi ng mga nagawa niyang erotic at sexy scenes kumpara sa remake ng Peque Gallaga classic.
“I’m glad na nabibigyan po ako ng projects na ang focus po ay more of doon sa magandang story at sa karakter pero nandoon pa rin naman po iyong sexy scenes,” pahayag niya.
Proud din siya na makatrabaho ang talented actor na si Kiko Estrada bilang leading man niya sa nasabing sexy action drama movie.
“He’s nice, professional and very passionate pagdating sa kanyang craft. He’s also fun to work with,” lahad ng sexy actress.
Isa pa raw sa ikinabilib niya kay Kiko ay ang commitment nito sa kanyang propesyon.
“Inglesero siya pero ang galing niyang mag-adapt. Naitatawid niya iyong pagta-Tagalog niya kapag inaangkin na niya at sinasapian na siya ng karakter niya. Sobrang napabilib ako sa dedication niya sa kanyang trabaho,” paliwanag ni Christine.
Sa kanyang pinakabagong pelikula, marami rin siyang nag-aalab na love scenes with Kiko.
“He’s quite a gentleman. Inalalayan niya ako sa love scenes na hindi ko magagawa ng ilang takes lang were it not for his help,” sey niya.
Sa “Sapul”, si Christine ay gumaganap na Sheila, asawa ni PO1 Isidro (Kiko), isang pulis na nag-amok nang magkaroon ng problema ang kanilang relasyon ng misis.
Tampok din sa pelikula ang ‘90s action star na si Jeric Raval na binibigyang-buhay ang papel ni P03 Leandro Acuba, isang marangal at tapat na pulis na laging sumusunod sa batas na kaibigan ni PO1 Isidro.
Ang Sapul ay Vivamax Original Movie mula sa direksyon ni Reynold Giba, na gumawa at sumulat na rin ng iba pang Vivamax Originals kagaya ng Bata Pa Si Sabel, Alapaap, Virgin Forest, Bahay Na Pula, at Sisid.
Mapapanood na sa Vivamax simula sa Abril 21, 2023, kasama rin sa cast sina Phoebe Walker, Ada Hermosa, Simon Ibarra, Chad Solano, Ina Alegre, at Suzette Ranillo.