Advertisers

Advertisers

UTANG NG PINAS LUMOBO SA P13.75-T

0 143

Advertisers

TUMAAS pa sa P13.75 trilyon ang utang ng Pilipinas hanggang nitong pagtatapos ng Pebrero ng taong 2023 kumpara sa P13.7 trilyon noong pagtatapos ng Enero.

Sa ulat ng Bureau of Treasury na mas tumaas ito ng P54.26 bilyon dahil sa net issuance ng domestic securities.

Sa halaga ng utang, 31.3% ay galing sa labas ng bansa habang ang 68.7% ay utang panloob o domestic borrowings.



Ayon pa sa Bureau of Treasury, ang domestic debt o utang na nakuha sa loob ng bansa ay nagkakahalaga ng P9.44 trilyon, o mas mataas ng P57.22 bilyon kumpara sa pagtatapos nitong Enero ng taon.

Resulta ito ng domestic financing na nagkakahalaga ng P55.88 bilyon at ng P1.34 bilyon epekto ng pagbagsak ng piso laban sa dolyar.