Nagkita ulit sa party…Heart at Jericho niluluto ang reunion film; Enrique sinabihang kuripot, namahagi ng tig-100 sa Bataan
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MISMONG ang esmi ni Senator Chiz Escudero na si Heart Evangelista ang nag-post sa kanyang socmed ng pagkikita nila ng dating ka-loveteam at dyowang si Jericho Rosales.
Matatandaan na isa sa kinakiligang loveteam noon sina Echo at Heart.
After so many years ay nagkita muli ang dating magdyowa at sa get together ng Star Magic.
Namataan naman ang iba pang Star Magic talents sa ginawang mini party tulad nina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Maja Salvador, Diether Ocampo bukod kina Echo at Heart.
Sa pagkikita muli ng dalawa ay may nangantiyaw na netizen na wala ba raw reunion project sa dalawa.
Sa pagkakaroon na ng commitment sa iba ng dating loveteam na si Echo na ikinasal noong May 2014 kay Kim Jones.
At si Heart naman ay kasal na kay Chiz noong February 2015 sa Balesin.
If ever naman na magkaroon ng reunion project sina Echo at Heart tiyak na wala nang selosan.
Maraming abangers na fans ng EchoHeart na magkaroon muli sila ng project together.
Tunay na maraming naka-miss sa dating tambalan at magdyowa kung matuloy ang project nina EchoHeart.
***
SA kabila ng pagmamagandang loob ni Enrique Gil na gusto lang mag- share ng blessings sa isang lalawigan, namasama pa ito.
Nitong March 30 ay turning 31 na ang bf ni Liza Soberano na si Enrique. Nagpasya ito na tumungo ng Hermosa, Bataan.
Sa video ay makikita ang pamumudmod ng aktor ng salapi sa kada masalubong nito.
Naispatan na tig-P100 ang ipinamahagi ni Enrique sa mga mamamayan ng Bataan.
Pero ‘di naman nakaligtas sa basher si Enrique na kung saan ay sinabihan itong kuripot.
Hindi man lang daw ginawang tig P500 para masaya na ang mga nabigyan ng pera.
May isang netizen ang nagtanggol kay Enrique na nagbahagi lang daw ito ng biyaya at least di raw nito ginawang vlog sa anumang socmed platform ang ginawa.
Well, well, well…’Yun na!