Advertisers

Advertisers

Maja at Rambo sa Indonesia ikakasal

0 171

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA isang interview kay Maja Salvador at fiance nito na si Rambo Nunez, kinumpirma nila na sa darating na July ng taong kasalukuyan sila ikakasal. Pero hindi nila sinabi ang eksaktong date. At sa isang beach daw nila planong ganapin ang kanilang kasal.
Pero hindi nila sinabi kung sa beach ba sa ‘Pinas o sa isang dagat sa ibang bansa.
Pero may nakarating ss aming chika, na sa isang beach umano sa Bali, Indonesia magaganap ang kanilang kasal. Ikinwento namin ito sa online show namin nina Roldan Castro at Mildred Bacud na Marisol Academy na napapanood sa Abante News Online, Facebook, TikTok at YouTube every Wednesday, 4:00pm.
Kung sa Bali nga gagawin ang kasal nina Maja at Rambo, dapat ay sila ang gumastos sa airfare ng kanilang mga invited guests, mga abay at mga ninong at ninang di ba? Or else, baka walang dumating sa kanilang kasal.
Ngayon pa lang ay binabati na namin ng best wishes sina Maja at Rambo.
***
VITTO MARQUEZ NAGKADEPRESYON DAHIL SA PANDEMYA
NAKARANAS pala ng matinding depression si Vitto Marquez noong kasagsagan ng pandemya. Ito ang sinabi niya sa isang interview.
Kwento ni Vitto,”Nawala kasi ang Hashtags (all male group na kabilang si Vitto), tapos, during the pandemic, bawal lumabas ng bahay, nakakulong ka lang, so na-depressed ako.”
Pero sa ngayon ay okey na si Vitto.
“But now, I’m okay. I’m coping with it. Ang depression kasi, hindi naman lubusan mawawala, but you can fight it to lessen your feelings of being depressed.
“At that time, nu’ng puwede nang lumabas, ayoko pang lumabas. I got offers but tinanggihan ko kasi I felt I wasn’t ready.”
Pag-amin pa niya, “To be honest, five months after the pandemic began, I was thinking of ending it all. I’m not going to lie, naisip ko talaga yun pero nilabanan ko, kaya nag-stress eating ako.
“Kain ako nang kain kaya tumaba naman ako. Now, natatawa ako kapag naiisip ko yun,” aniya pa.
Malaki ang pagpapasalamat ng binata sa tulong at gabay ng kanyang pamilya at girlfriend para makawala sa depresyon.
Naikuwento pa ni Vitto na limang projects ang kanyang tinanggihan sa Viva kabilang na ang Boy Bastos, na napunta sa kapwa niya dating Hashtags member na si Wilbert Ross. Pero wala namang pagsisisi on his part.
Katwiran niya,”But I’m happy it went to Wilbert, na kasama ko noon sa Hashtags. Panay nga ang pagpapasalamat niya sa akin.
“Kasi nagkaroon din siya ng depression and I was there for him. He’s like a brother to me.
“That time kasi that the offer came for me, ayokong yung depression ko, makaapekto sa trabaho ko at sa mga kasama ko.
“Hindi ko lang magagawa nang maayos ang work ko kung hindi naman ako okay. So I took my time,” paliwanag pa ng aktor.