Advertisers

Advertisers

Coco type na sukuan ang serye, ilang beses ni-reject dahil bold actor noon

0 155

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BINALIKAN ng Kapamilya Prime time King na si Coco Martin ang kanyang mga pinagdaanan noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz hanggang sa matagumpay siyang naka-crossover from indie to mainstream.
Akala raw niya ay magiging madali sa kanya ang pagtawid sa mainstream television dahil nakapagbida na siya sa indie film na “Masahista” ni Direk Brillante Mendoza noong 2005.
Pero katakut-takot na rejection daw ang kanyang hinarap noong nagtangka siyang pumasok sa ABS-CBN.
“Noong nagsisimula ako sa indie films, ‘yung ginagawa namin ni direk Dante (Brillante) nu’n, lalo na ‘yung first movie ko, Masahista, tapos medyo matured,” pagbabalik-tanaw niya. “Ang tingin sa akin ng network, ang tingin talaga sa akin noon, bold actor, sexy star. ‘Yun talaga ang ano nila sa akin,” dugtong niya.
Pa-throwback pa niya, may naging interesado raw noon na kunin ang kanyang serbisyo through Direk Brillante na kanyang mentor at gusto siyang i-cast bilang ka-love triangle nina Rayver Cruz at Shaina Magdayao sa isang teleserye.
“Siyempre, si direk Dante, excited na excited kasi mabibigyan ako ng trabaho, eh. Dahil alam naman natin na ‘pag sa TV, ‘yun ang tinatawag ng mga artista na bread and butter, ‘di ba? Na talagang regular na income ka. ‘Pag sa pelikula kasi, ngayon meron, tapos medyo matagal, wala. Siyempre, excited kami na makakapasok na ‘ko sa TV. Kumbaga, magkakaroon na ako ng regular show,” bida ni Coco.
Pero sa huli, hindi raw natuloy ang naging proyekto dahil feeling niya ay naging stigma ang kanyang pagiging bold actor.
“Biglang binalikan kami, ang sabi, ‘direk, si Coco Martin pala ay bold actor. Eh alam mo naman, medyo conservative kung ila-love triangle kay Shaina saka kay Rayver. Kami naman, parang ‘eh di, okay, ‘di next time,’ ganyan,” patuloy ni Coco.
May pagkakataon din daw na may nag-inquire sa kanila, kung pupuwede siyang maging gay best friend ni Judy Ann Santos sa isang serye pero ang ending ay naudlot din ito.
“Sabi ko, ‘o sige, laban ako diyan, basta may trabaho.’ Tapos, binalikan na naman si direk Dante, ‘direk, pasensya na. Eh sexy actor pala si Coco Martin,’ ganyan-ganyan, ‘alam mo naman sa TV, medyo conservative,’ ganyan,” kuwento niya.
Aminado raw siyang nasaktan noon dahil napakalaki ng tingin at respeto sa kanyang trabaho bilang actor na para sa kanya ay isang marangal na propesyon.
“Honestly, na-hurt ako do’n. Kasi, sabi ko sa sarili ko, ang taas ng tingin ko sa trabahong ginagawa ko. Hindi ko siya tinitingnan na parang itong proyektong ‘to, gagawin ko ‘to, maghuhubad ako, magpapakita ako ng katawan kasi gusto kong sumikat. Hindi ‘yun. Ginagawa ko ang isang role o ‘yung project na ‘yun dahil naniniwala ako sa respeto ko sa trabahong ginagawa ko. Kahit ano pa ‘yan,” lahad niya.
Pagkatapos daw ng rejections, nasabi raw niya sa sarili na ayaw na niyang pumasok sa telebisyon.
“Kasi sabi ko, kung ayaw nila sa akin, eh ‘di huwag. Hindi ko naman ipinagpipilitan ang sarili ko, eh. Sila ang nag-i-inquire sa akin, ang masakit, nakakatikim ako ng rejection. Ang baba ng tingin nila sa akin, pero ang taas-taas ng tingin ko sa trabahong ginagawa ko,” aniya.
Ang Cannes best actress daw na si Jaclyn Jose ang nag-engganyo sa kanya na huwag sukuan ang kanyang pangarap na makapasok sa telebisyon na blessing in disguise raw naman at natuloy nang ma-cast siya sa isang proyekto ni Andoy Ranay at mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang projects niya sa Kapamilya network.
Samantala, sobra namang natutuwa si Direk Brillante dahil muli silang nagkatrabaho ng kanyang protégé.
Ito ay kahit hindi original choice si Coco sa lead role dahil nag-back out si Aljur Abrenica.
Katunayan, noong malaman ng actor ang problema sa casting, ito mismo ang nagprisinta kay Direk na magbida sa nasabing Kapampangan movie.
Sobra raw kasi ang pagmamahal niya sa kanyang pinagmulan kaya gustung-gusto niya itong binabalikan.
Sey pa niya, ang mapabilang daw sa isang proyekto ni Direk Brillante ay isang karangalan para sa kanya.
Bilang pagpupugay ni Direk Brillante sa kanyang Kapampangan roots, itinatampok din dito ang iba’t ibang putahe ng rehiyon.