Advertisers
TATLO katao ang nasugatan habang 66 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa San Andres Bukid, Maynila, Linggo ng gabi.
Sa ulat, 10:40 ng gabi sumiklab ang sunog sa Barangay 767, na sinasabing nag-umpisa sa ikatlong palabag ng isang bahay.
Dahil dikit-dikit ang mga bahay, madali itong kumalat at umabot sa 21 bahay ang apektado.
Ayon kay Jose Abrito, chairperson ng Barangay 767, bahagyang nagkagulo rin dahil may ilang residenteng inagaw ang mga hose ng mga bombero para unahing mabomba ng tubig ang kanilang bahay.
“Hindi ko rin sila masisisi kasi ang mga tao parang… nataranta kaya ‘yong mga hose po inaagaw nila,” ani Abrito.
Ayon kay Abrito, 2 beses nagkaroon ng sunog sa lugar noong nakaraang taon pero ito ang unang naitalang sunog sa barangay ngayong 2023.
Samantala, sa Barangay Bahay Toro, Quezon City, isa ang sugatan sa 3 unit ng apartment na nasunog din Linggo ng gabi.
Siyam na pamilya ang nawalan ng bahay, na kasalukuyang tumutuloy sa covered court ng barangay hall.