Advertisers

Advertisers

Bong Go: May-ari ng barko, panagutin sa oil spill

0 203

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senator Christopher “Bong” Go sa kalusugan at kaligtasan ng mga apektado ng oil spill dulot ng paglubog ng isang motor tanker sa bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Kaugnay nito, hinimok ni Go ang mga awtoridad na panagutin ang mga responsable sa insidente.

Sa isang panayam matapos tulungan ang mga biktima ng sunog sa Barangay Tatalon sa Quezon City, idiniin ni Go, chair ng Senate committee on health, na ang epekto ng oil spill ay higit pa sa mga apektadong indibidwal.



Ang mga isda at iba pang marine life aniya ay maaaring malason ng langis at posibleng makapinsala sa sinumang makakonsumo sa kanila at sa ecosystem sa kabuuan.

“Dapat po ay gawin ng gobyerno ang lahat. Hindi lang po ang mga kababayan natin ang apektado dito. ‘Yung mga isda, kakainin ‘yun, kung safe pa bang kainin ang mga isda,” ani Go.

Sinabi ni Go na ang lawak ng spill ay nagpapahirap sa paglilinis, na nangangailangan ng paglahok ng mga entity na may kadalubhasaan at kakayahan sa problemang ito.

“Haba ng oil spill na ‘yan, napakahirap pong linisin n’yan so dapat po ay gawan ng paraan kung sino po ang may kakayahan,” sabi ni Go.

“Who caused the oil spill, kayo po ang gumastos at tulungan po, of course, ng gobyerno para mapabilis,” dagdag niya.



Nanawagan siya sa gobyerno na tiyakin na ang resources ay maima-maximize sa cleanup effort at panagutin ang responsableng partido sa kanilang mga aksyon.

“Dapat gawan ng paraan at managot ang sanhi ng oil spill. Gastusan n’yo po para malinis ‘yan. Kawawa ang mga ordinaryong mamamayan,” iginiit ng senador.

“Tayo nga, nililinisan natin ang coastal, bawal na magtapon ng plastic sa karagatan, ito pa oil, ang hirap nitong linisin.”

Kabilang sa mga apektadong bayan sa Oriental Mindoro ang Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Basud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao, ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Isinailalim na sa state of calamity ang pitumpu’t anim na barangay sa buong munisipyo dahil sa pinsalang dulot ng oil spill.

Noong Marso 4, iniulat ng Philippine Coast Guard na umabot na sa isla ng Caluya sa Antique ang oil spill. Dahil dito, idineklara ito sa ilalim ng state of calamity noong Marso 6.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya na bantayang mabuti ang sitwasyon at gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng langis. lalo sa mga tourist spot.