BI pumirma ng kasunduan sa CCP
Advertisers
UPANG higit na matulungan ang mga dayuhan mamamayan sa Pilipinas, ay pumirma ng kasunduan ang Bureau of Immigration (BI) sa Consular Corps of the Philippines (CCP).
Sa isang seremonya na ginawa nitong Pebrero 22 sa Makati City, ang BI at ang CCP ay nagkasundo na lumikha ng mas bukas na palitan ng impormasyon at mas mabilis na proseso ng pagtulong sa mga dayuhang nangangailangan ng tulong.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na layunin ng kasunduan na magtatag ng mas malakas na tambalan sa pagitan ng BI at diplomatic community.
Sa pamamagitan ng kasunduan mas madaling ma-update ng BI ang mga foreign nationals sa pamamagitan ng kanilang embahada at konsulado sa mga bagong polisiya at patakaran kaugnay ng immigration.
“It’s another avenue to reach out to foreign nationals directly, to keep them informed about the latest updates on immigration,” sabi ni Tansingco.
“It is also an opportunity to encourage more foreign nationals in the Philippines, through the intercession of their embassy, to legalize their stay,” dagdag pa nito.
Bilang bahagi ng kasunduan, ang CCP ay nakatakdang tumulong sa BI Detention center sa pamamagitan ng donasyon ng mga equipment at supplies. Kasama rin sa kasunduan ang academic scholarship program para sa dependents mga empleyado ng BI.
“These programs and mechanisms are very welcome in improving the services of the BI,” sabi pa ni Tansingco.
“We believe that this is the beginning of a better and stronger relationship of the BI with the foreign community,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)