Advertisers

Advertisers

5 atleta sasabak sa youth world weightlifting tourney

0 256

Advertisers

PANGUNGUNAHAN ni Angeline Colonia ang kampanya ng Pilipinas sa International Weighlifting Federation (IWF) Youth World Championship na gaganapin sa Ramazan Njala Sports Complex sa Durres, a port city sa Western Albania, simula Marso 25 hanggang Abril 1.

Ang 16-year-old pride ng Zamboanga City ay umaasa ng mahusay na pagganap matapos magwagi ng 3 medalya sa Youth women’s 40kg. category sa 2022 Asian Youth and Junior Championship sa Tashkent,Uzbeskistan.

Nasungkit ni Colonia ang gold medal sa snatch matapos mabuhat ang 62kg, binura ang 61kg, Asian Youth and World Youth records na nakamit noong 2018.



Nakuha nya ang silver medal sa clean and jerk (72kg.) at tuluyang naangkin ang gold medal sa kabuuang (134kg).

“I am always optimistic when I compete because I know that I trained hard,” Wika ni Colonia sa panayam Biyernes.

Sasalang siya sa 45kg.category.

“But I don’t want to be overconfident. Anything can happen in a competition,”Dagdag ng pinakabatang kapatid ni 2016 Rio Olympics veteran Nestor Colonia.

Kasama rin sa Albania sina Zamboangueños Rosalinda Faustino (women’s 55kg.) at Albert Ian de los Santos (men’s 61kg.), Eron Borres of Cebu City (men’s 49kg.) at Prince Keil de los Santos ng Angono, Rizal (men’s 49kg).



Sa Uzbekistan, Faustino ay nagbulsa ng 3 gold medals habang si Prince keil humablot ng 2 bronze medals sa 49kg.category sa kanya kanyang divisions.

Ang 5 atleta ay nakatakdang umalis sa Marso 21 kasama ang coaches Gregorio Colonia,na sumabak sa 1988 Seoul Olympics, at Diwa de los Santos, SEA Games bronze medalist.

Rose Jean Ramos ng Zamboanga City, ang 2021 at 2022 champion sa women’s 45kg. category, na mag 18 sa Hunyo ngayon taon, ay hindi angkop na lumahok sa Albania tournament, na para lamang sa atletang may edad 13 at 17.