Advertisers

Advertisers

Truck bumanga sa gilid ng bundok: 4 patay, 31 sugatan

0 113

Advertisers

NAWALAN ng preno ang isang mini dump truck kaya ibinangga ng driver sa gilid ng bundok. Pero sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang ilang sakay nito at may mga naipit sa loob ng sasakyan sa Aguilar, Pangasinan.

Sa ulat, apat sa mga sakay ng truck ang nasawi at 31 ang sugatan na dinala sa ospital.

Ayon sa report, mga construction worker ang mga biktima at pauwi na nang mangyari ang sakuna sa bahagi ng Barangay Laoag.



Ayon kay Police Major Mark Ryan Taminaya, hepe ng Aguilar Police Station, mayroong ginagawang solar farm sa itaas ng bundok.

Batay sa kuwento ng ilang nakaligtas, pababa ang daan nang mawalan ng preno ang truck kaya nagpasya ang driver na ibangga ang sasakyan sa gilid ng bundok.