Advertisers
SUMUKO na ang pari na inakusahan ng pangmomolestiya sa isang menor de edad na estudyante sa Lal-lo, Vahayan, Cagayan nitong Huwebes.
Sa ulat mula sa Cagayan Provincial Information Office, dinala ng Lal-lo Police si Fr. Karole Reward Israel sa Cagayan Provincial Jail (CPJ) sa Tuguegarao City matapos sumuko.
Ang mga kaso ng kahalayan, pamboboso, at panggagahasa ay isinampa laban sa assistant parish priest ng Saint Vincent Ferrer Parish sa Solana.
Inaresto si Israel noong nakaraang taon nang iligtas ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanyang biktima. Nakalaya si Israel nang magpiyansa ng P183,000.
Si Judge Dennis Mendoza ng Regional Trial Court Branch 4 sa Tuguegarao City ang naglabas ng warrant of arrest laban kay Israel. Walang piyansang ipinagkaloob ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.