Advertisers

Advertisers

Grade 4 ni-rape, pinatay pa; bankay sinako at itinapon sa sapa

0 202

Advertisers

KAAWA-AWA ang sinapit ng isang Grade 4 pupil na babae nang gahasain at patayin ng kapitbahay nitong nakalipas na Miyerkules, Marso 1, sa Claveria City, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima na si Sofhea Irenver Bual, 10 anyos, residente ng Sitio Banban ng nasabing lungsod. Nadakip naman ang salarin na si Ariel Limas, 28, kapitbahay lang ng biktima/

Ayon kay Claveria Police Station commander, Major Melchor Annaway, natagpuan ang bangkay ng biktima sa may sapa na nakabalot sa sako.



Sa report, huling nakitang buhay ang biktima pagpasok sa paaralan, subali’t pagsapit ng tanghali ay hindi na ito nakauwi sa kanila.

Kwento ng ama ng biktima, noong araw lamang na iyon hindi niya nasundo ang anak sa paaralan subali’t hindi na ito nakauwi pa kaya nagsumbong na ito sa pulisya.

Makalipas ang dalawang araw, lumutang ang salarin at umamin sa pulisya na ginahasa niya ang bata saka pinatay at itinuro nito kung saan nito inilibing ang bangkay.

Sa pagresponde ng pulisya, sa may sapa ilang metro ang layo sa bahay ng biktima, nahukay nila ang bangkay nito na nakabalot sa kumot at ibinalot pa sa sako at inilibing.

Nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal si Limas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">