Advertisers

Advertisers

MAPAGPANGGAP NA HUMAN RIGHTS DEFENDERS

0 178

Advertisers

PATULOY ang pagpapanggap nitong mga nagpapakilalang grupo ng mga Human Rights Defenders, sagad sa buto ang kanilang galit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sarado ang kanilang mga isipan sa puntong, dapat na imbestigahan ang mga pagpatay raw ng mga tropa ng pamahalaan sa ilalim noon ng Administrasyong Duterte, sa kampanya nito laban sa iligal na droga. Hindi iniisip na sa pamamayagpag ng mga sindikato ng iligal na droga, libo rin ang namatay, nagpakamatay at napatay nang dahil sa paggamit ng mga bawal na gamot.

Bakit hindi nila sabihin sa ICC na imbestigahan din ang mga ‘drug cartel’ na talagang pinagmumulan ng problema sa iligal na droga? At ang mga pagpatay sanhi nito?



Maaaring din, sabihin nila sa ICC na simulan nito ang pagiimbestiga sa mga sindikato o drug cartel sa Mexico, Colombia, South Africa, at mga Triads na tinatawag.

O kaya naman sabihin ng mga mapagpanggap na advocacy groups na ito sa ICC, na imbestigahan din ang malawakang sindikato ng human trafficking na siyang dahilan ng pagkamatay ng karamihan sa kanilang mga biktima sa buong mundo.

Bakit kailangang si Pangulong Duterte, na buong ‘bayag’ ay tinaya, mawala o mabawasan lang ang iligal na droga dito sa bansa?

Walang karapatan ang ICC na sabihin sa ating mga Filipino kung paano natin mapoprotektahan ang lahat sa salot ng iligal na droga. Ang mga mapagpanggap na ito ang dapat na imbestigahan sa tunay nilang motibo sa paghabol kay dating Pangulong Duterte.

Sa katotohanan, ang mga ‘advocacy group’ na ito ay bukod sa walang naitulong sa kampanya versus iligal na droga ay wala rin nagawa o’ nangawa sa mga pagpatay din ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.



Baka naman, namimili lang sila ng laban? Kung, talagang may ipinaglalaban nga sila?

Kahit anuman ang kanilang motibo at plano, iisa lang ang alam nating lahat – marami at malaki ang nagawa ni dating Pangulong Duterte sa laban sa iligal na droga at terorismo. Tapos!