Advertisers

Advertisers

Isinusulong sa Kongreso…‘BUWAGIN ANG MMDA!’

0 169

Advertisers

ISINUSULONG ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pagbuwag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) alinsunod sa hakbang ng administrasyon na ‘rightsizing program’.

Sa kaniyang privilege speech, inihayag ni Manila 3rd District Representative Joel Chua na ang pagbuwag sa MMDA ay makakatulong na mabawasan ang magkakaparehong operasyon sa mga ahensiya ng gobyerno.

Ipinanukala rin niya ang pagpapanatili ng ‘council of mayors’ sa National Capital Region (NCR) o ang NCR Coordinating Council.



Aniya, ito ay pareho lamang sa kasalukuyang Metro Manila Council subalit ang kapangyarihan ng NCR Coordinating Council ay mas madali, malinaw at iginagalang ang kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan at ng mga ahensya ng gobyerno.

Inihayag ni Chua na tama lang na wakasan na sa lalong madaling panahon ang MMDA dahil sa panghihimasok nito sa mga lokal na pamahalaan gaya ng pagsasagawa ng demolisyon ng mga bahay, road clearings at sa mga sidewalk at pagpapatupad ng mga batas trapiko na walang koordinasyon sa mga LGU.

Sa ngayon wala pang inilalabas na pahayag ang panig ng MMDA kaugnay sa naging panukala ni Chua.