Advertisers

Advertisers

HERLENE AMINADO, NAGPARETOKE NG ILONG

0 167

Advertisers

Ni JOE CEZAR

NAGBALIK ang actress at beauty queen na si Herlene Budol sa “The Boobay and Tekla Show” para harapin ang ilang nakaiintrigang tanong noong Linggo gabi (Pebrero 26).
Sumabak ang lead star ng upcoming afternoon prime drama na “Magandang Dilag” sa segment na “Sasagutin o Iinumin” kapalit ng iba’t ibang nakakaintrigang tanong.
Isa sa tanong na binato ng host (Boobay) kay Herlene ay kung nagpaayos ba siya ng katawan?
Pag-amin ng actress-beauty queen, “nagpa-Tip po ako sa bilog sa dulo ng ilong. Dati, medyo mataba… hinila lang po iyan (turo niya sa nasabing tip ng kanyang ilong)…dito, threadlift.”
Samantala, naglaban-laban sina Herlene at Mema Squad members na sina Pepita Curtis, Ian Red at Jennie Gabriel sa mock pageant na Miss Planeta 2023. Itinuro at ipinakita ng actress-beauty queen sa Mema Squad kung paano i-execute ang pinaka-tamang catwalk.
Siyempre, ang nanalong Miss Planeta 2023 ay si… Herlene!
Ang all-new episode ng “The Boobay and Tekla Show ay tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”.
***
Pagkatapos ng 5 taong pahinga…
CAMILLE PRATS KINABOG SA PAGBABALIK-SERYE
KAABANG-abang ang pagbabalik-telebisyon ng dating child star na si Camille Prats.
Muling bibida sa isang teleserye si Camille matapos ng limang (5) taon na hindi siya gumawa ng serye kundi mayrun lang siyang “Mars”.
Sa isang panayam sa aktres, “ngayon, siyempre ‘yung “Mars” wala na rin, and GMA offered me “Arabella”. So, to be honest, kinabahan talaga ako nu’ng una, na parang, ‘Keri pa ba?’ Kasi, feeling ko ang tagal-tagal na masyado, medyo nalimutan na ‘yung mga techniques and other things.”
Gagampanan ni Camille sa “Arabella” ang mapagmahal na inang si Roselle, na nawalan ng anak na si Bella. Sa mga nakalipas na taon, hindi nawalan ng pag-asa si Roselle na muli niyang makikita ang kanyang anak.
Kasama ni Camille sina Shayne Sava at Althea Ablan, nariyan din sina Wendell Ramos, Alfred Vargas, Klea Pineda, Abdul Raman, Saviour Ramos, Mitzi Josh, Faye Lorenzo, Nova Villa, at Ronnie Lazaro.
Abangan ang world premiere ng “Arabella” sa March 6, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Abot-Kamay na Pangarap”.