Advertisers

Advertisers

WANTED POSTER NG SUSPECTS SA ‘MISSING’ SABUNGEROS ISINAPUBLIKO

0 185

Advertisers

ISINAPUBLIKO na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga poster o larawan ng anim na security guard na mga suspek sa pagdukot ng isang sabungero sa Manila Arena sa Maynila noong 2021.

Ayon kay Brigadier General Romeo Caramat Jr., direktor ng CIDG, ang pagpapakalat ng mga litrato o poster ng 6 na suspek ay kasunod ng paglabas ng warrant of arrest sa kasong kidnapping and sererious illegal detention ng korte.

Nakilala ang 6 security guards na sina Julie Dondon Patidongan alias “Dondo”, 45 anyos; Mark Carlos Zabala, 29; Virgilo P. Bayog, 44; Robert Matillano Jr., 54; Gleer Codilla alias “Gler Cudilla”; at Johnry Consolacion, 33.



Ipinakalat ang mga wanted poster sa lahat ng PNP units, pampublikong lugar, social media at website ng CIDG.

Nauna nang inihayag ng ni Colonel Redrico Maranan, hepe ng PNP-PIO, na maglunsad na malawakang manhunt operation ang PNP laban sa 6 suspek nang maglabas ng warrant of arrest ang korte.

Natukoy ang 6 suspek na dumukot sa isang sabungero sa Manila Arena sa lumabas na video.
(Mark Obleada)